Chapter 28

802 50 55
                                    



At dahil sa sobrang inspired ako ngayon kaya maaga akong nagising, naligo at nag ayos ng sarili ko. Syempre iba na ngayon, kung dati pumapasok lang ako para sa sarili ko, ngayon may dagdag inspirasyon na ako.

"Tok! Tok! Tok! Kuya!!! Gising kana po ba? Kuya!!!" Agad ko naman pinagbuksan ng pinto si Elha.


"Wwooowww..... sobrang pogi naman ng kuya ko oh! Ibang iba ang level. At hhhmmm... ang bango bango naman..."

"Syempre naman! Ayos ba pormahan ni kuya?" Tanong ko sa kanya sabay kindat.

"Naku kuya, pak na pak! Sokpa sa banga!"

"Ano???????" As in literal na inikutan ako ng question mark sa ulo ko. "Pak na pak, sokpa? Minumura mo ba ako?"

"Ay kuya syempre hindi. Grabe ka naman sa akin... wag mo masyadong intindihin kuya mga sinabi ko. Ngayon kuya may tanong po ako sa inyo?" Wala pa mang sabihin ang kapatid kong to mukhang alam ko na itatanong nito..

"Sige, ano yun?"

"Kayo na po ba ni Momy Happy? Girlfriend mo na po ba sya?" At ang reaksyon nyang sobrang kilig na akala mo ay may alam na sa sinasabi nya.

"Wui... anong girlfriend, girlfriend? Ikaw talagang bata ka kung anu ano na lang yang tumatakbo sa isip mo..." panenermon ko sa kanya.

Pero dahil kapatid ko sya, alam nya ang kahinaan ko lumapit ito sa akin at pasimpleng yumakap at nagpabebe pa ng mukha. "Please kuya...😊" bakit ba napaka galing ng kapatid kong to magpa cute....😩

"Sige na nga! Halika dito tayo maupo..."

Wala pa atang dalawang segundo ay agad naka pwesto na to! Natawa na lang ako..

"Okay... goodnews at bad news eto Elha ha... Ngayon anong gusto mong unahin ko?"

"Syempre dun na po muna sa goodnews ayaw ko muna ng nega kuya.. Go na po!☺️"

"Goodnews... nasabi ko na kay Momy Happy mo kung ano nararamdaman ko para sa kanya. Nasabi ko ng gusto ko sya at mahal ko sya...."

😀at literal na naka hang ang ngiti sa mukha ni Elha at nag aantay ng susunod kong sasabihin..

"At kuya? At???? Kuya naman eh, binibitin mo ako... sige na! Tapos ano?!"

"Dito na papasok ang badnews..." at agad namang nag iba ang timpla ng mukha nya ng marinig iyon sa akin.

"Ouch! Ibig ba sabihin kuya binasted ka agad ni Momy Happy?" 😞 kulang na lang ay maiyak sya. Haist..

Nilapitan ko si Elha at iniangat ang mukha... "Hey, wag kang malungkot... hindi naman ganun ka sama yung bad news ko eh..."

"Sige nga kuya, ano po bang nangyari?"

"Hindi pa kasi allowed si Momy Happy mo ma maligawan.. ayaw pa ng Papa nya hanggat hindi pa sya nakakapagtapos ng pag aaral..." pagpapaliwanag ko.

"And?? And??? Ano na po kuya?" Halata na sa mukha ni Elha ang pagka dismaya.

"Hindi naman nya ako binasted Elha. Pero nung sinabi ko sa kanyang willing ako mag anatay kahit gaano ka tagal, basta hayaan lang nya akong iparamdam sa kanya na kung gaano ko sya kamahal. Ang importante lang naman dun ay hindi sya humindi at yun ang pinanghahawakan ko sa ngayon Elha..." at medyo nakaramdam din ako ng kaunting lungkot. Kasi wala naman talaga akong nakuhang maayos na sagot sa kanya pero ayos lang hindi naman nya ako ni reject ...

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon