"Bunso di ka ba inaantok? Napaka aga pa. 5:30 pa lang. Dapat nga natutulog ka pa sa bahay, total 7:00 pa naman ang pasok mo...""Ayos lang ako ate, di na din naman na ako nadalaw ng antok ko eh. Tulungan na lang kita sa mga hahabulin mo pang lesson sa school nyo. Diba may hindi kapa natatapos na susulatin? Kahit ako na gumawa non..."
"Hay naku bunso, kilala na kita. Aminin may iniiwasan ka diba? Kaya nagkakaganyan ka tama ba?"
"Parang ganun na nga ate. Eh kasi... alam mo naman si Elha ang hirap nyang tanggihan. Baka mamaya dumaan sya ng bahay tapos kasama nya kuya nya ayaw ko naman makipag plastikan kay Elhie higit sa lahat ayaw kong madamay pa si Elha."
"Sa tingin mo ba sa ginagawa mong yan hindi mo masasaktan si Elha? Halatang umiiwas ka sa kanila eh."
"Ate, walang kinalaman si Elha promise yan. Mamaya na lang ako babawi sa kanya pagka pasok nya. Atleast kapag nasa classroom na sya makakausap ko sya ng masinsinan. Matalinong bata si Elha, mabilis din syang maka intindi kaya hindi ko masyadong pinoproblema si Elha.."
"Okay sabi mo! Ang tanong kung papano mo iiwasan ang magkapatid pag nasa klase na kayo? Baka don ma corner kana nila.."
"Napag isipan ko na din yan kagabi ate kaya wag mo na ako masyadong intindihin ayos lang ako. Para po!" Sobrang nakaka stress ang pag tatanong ni ate sa akin. Lalo lang tuloy akong nawiwindang.
Pagkababa namin ng trysikel ay dumirecho na din kami sa classroom nya. Gusto ko lang makahanap ng pam pa goodvibes para lang may lakas ako mamaya kapag nakaharap ko na ang dalawang Ventura.
"Sya nga pala Happy!"
"Bushak! Ate naman oh mang gulat talaga? Ayan tuloy nagkamali pa ako ng naisulat sa manila paper."
"Lutang kana naman! Sya nga pala nakalimutan kong sabihin sayo, suspended for 1 week si Sue at ang tropa nya. Kaya kahit papano makakahinga ka ng isang linggo."
"Ah ganun ba ate? Mabuti naman. Tsaka pagkabalik nya wala na sya dapat ika stress pa, lalayuan ko na si Donny para walang gulo. Masyado lang talagang malandi si DJ. Hindi pa ata totaly move on si Sue kay DJ kaya ganyan sya ka praning. Hay naku, naku, naku,, ang complicated talaga ng love buti na lang at wala pa akong planong pasukin ang kamunduhan nyan..😩"
"Wueh.. talaga lang ha? Kelangan mapanindigan mo yan,, kung hindi tatanggalan talaga kita ng kanang kilay. Chura nito!" Nagkatawanan na lang kaming dalawa. Bumalik na lang din ako sa pag susulat.
"Momy Happy..." sabay pa kami ni ate Cath na napalingon sa pinto.
"Baby..." tawag ko din sa kanya pabalik. Kala mo eh ang tagal na naming di nagkita sa higpit ng yakap nya. Nahagip naman ng mga mata ko si Elhie na pumasok na din at inilapag ang bag ni Elha sa upuan nya.
Feeling ko tuloy ngayon parang kinukurot ang puso ko dahil sa lungkot na nakita ko sa mukha ni Elhie. Yung lungkot na never ko pang nakita sa kanya. Sa totoo lang sa mga oras nato gusto ko syang yakapin at sabihing ayos na ang lahat, pero kailangan kong maging matigas para na din sa ikabubuti naming tatlo.
Mas lalo pang naging torture sa pakiramdam ko na hindi man lang nya ako sinulyapan ng tingin. Simangot all the way ang peg ng Dodong nato at nakayuko pa. Lakas maka konsensya.😩 Hanggang sa nakita ko na syang lumapit kay ate Cath at nakipag usap saka tuloy tuloy na umalis. Bushak ang sakit!
"Momy Happy nanggaling ako sa bahay nyo kaso wala ng tao dun. Galit pa din po ba kayo sa kuya ko?"
"Ganito kasi baby, kailangan muna ni ate dumistansya sa mga kuya mo. Ayaw ko kasing maging dahilan na mag away sila ulit. Sana maintindiham mo ako..."
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...