Para akong dinudurog ng makita ko ang kalgayan ni Happy. Basang basa at mugto ang mga mata. Halos hindi na nya maibuka ang mga mata at pati bibig nito ay namamaga na din sa sobrang pag iyak nito...
"Dhie please, umalis na tayo! Magpakalayo layo na tayo! Dadalhin na ako ni Papang sa Canada at sigurado ako Dhie kapag nangyari yun ilang taon pa ulit bago tayo magkita..." sobrang tindi ng pakiki usap sa akin ni Happy. Wala akong kayang sabihin sa mga oras nato. Gulantang pa din ako sa mga desisyon ni Happy.
"Huy! Kayong dalawa ha! Pinapaalala ko lang wala kayo sa teleserye. Ano ba naman yung pumasok muna kayo sa loob at doon kayo mag moment. Hindi yung nagpapakabasa kayo jan sa ulan. Kapag nagkasakit pa kayong dalawa tingnan ko lang matuloy pa yang pagtatanan nyo!" Naputol ang dramatic moment namin ng binasag ito ng abnormal kong kapatid.
"Hahahaha,,, baliw ka talaga DJ!" Kahit papano ay natawa naman si Happy.
"Tara Mhie, sa loob na natin pag usapan yan.. baka bumigay na yang modela mong katawan magkasakit ka pa..."
"Hahaha isa ka pang baliw! Tara na nga!" Kahit ngo ngo na magsalita ay nakuha pa din nyang manghampas. Haist!
Pagkapasok namin sa loob ay agad naman kaming inasikaso ni DJ. May maganda din pa lang pag uugali ang hayp nato eh!
"Oh Happy magbihis kana muna. Hiramin mo muna tong damit ni Sharlene..." sabay pa kaming napatingin kay DJ nang marinig iyon sa kanya.
"Hoy anong klaseng tinginan yan!" Agad naman ni DJ sa sarili.
"Bakit naman kasi may damit ka ni Sharlene dito? " agad naman tanong ni Happy.
"Sabi na eh ang dudumi ng utak nyo! Sadya lang may damit dito si Sha, may mga pagkakataon kasi na wala ang parents nya sa bahay kaya sa akin sya pinagkakatiwala..."
At nang magkatinginan kami ni Happy ay literal na nagkatawanan kaming dalawa..
"Hoy kayong dalawa baka gusto nyong walang matulugan ngayong gabi! Makatawa kayo ha! Napaka judgemental nyo naman.. Ipagkakatiwala ba sa akin si Sha ng magulang nya kung hindi ako katiwa tiwala! Mga baliw!" Halata kay DJ ang pagka inis nito.
"Pasensya na tol ha hindi lang talaga ako makapaniwala. Ikaw pa ba! Kahit hindi pa naghuhubad ang babae sa harap mo minamanyak mo na pano oa kapag katabi mo at kayo lang dalawa..." halos ambahan nya ako ng suntok sa mga sinabi ko.
Agad naman awat si Happy. "Huy, seryoso? Mag away talaga? Ikaw Dhie tigilan mo na si DJ. Sadyang bitter lang tayo dahil hindi tayo malaya tulad nila..." at para akong sinampal ng malakas sa mga sinabi nya kaya natahimik ako at natigil sa pagtatawa.
"Eh... yun lang!!!" Tangi kong nasabi sa kanya.
"Ano ka ngayon?!" Asar talo pa din si DJ. Okay nagkakasundo na kami, nagkakatulungan kapag may problema pero magkaaway pa din kami sa madaming bagay😂.
"Eh di ikaw na! Sinwerte ka lang tol!"
"Eh Happy bakit ba naman kasi ganyan na lang katindi ang galit ng Papang mo kay Elhie. Wala namang masamang ginawa si Elhie sa kanya..." bumawi naman ang kapatid ko, pakiramdam ko tuloy buo ang simpatya nya sa akin.
"Sa totoo lang kahit sa probinsya pa man noon ganyan na si Papang kapag nalaman nyang may nanliligaw na sa akin halos mang galaiti talaga sya sa galit. Pero mas malala ngayon dahil na din sa sinuway ko na sya at ang malala pa nakipagrelasyon ako kay Elhie ng lihim kaya mas lalong sabog si Papang..."
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...