Chapter 29

669 44 12
                                    


HAPPY'S POV.....

"Go Dong!!! Huwowh!!!!" Halos hindi ako magkanda ugaga sa pag cheer ko sa kanya. Masyado nya kasing ginalingan.

Halos 10 points na din ang lamang nila sa kalaban. Masyado kasing nagpabibo ang magkapatid eh! Iba din pala ang powers na dala ng magkapatid na Ventura. Nagiging halimaw pagdating sa court. Sila lang dalawa halos ang nagbigay ng score sa team.

"Go kuya! Go kuya DJ!!!! Yehey!!!! Go mga Kuya!" Tuwang tuwa si Elha sa pag checheer sa mga kuya nya!

"Momy, Momy tawag ka ni kuya." Agad naman akong napatingin kay Elhie nagpa finger heart pa. Para naman mas ganahan pa ang Dodong ay binigyan ko din sya ng finger heart❤️. Ang tamis!

"Huy Bunso ano yan?" Biglang saway sa akin ni ate Cath. "Finger heart? Ano kayo mag jowa? Yung totoo?" Kilala ko ang ate Cath. Hindi man nya ako direct to the point kausapin alam kong pinagdududahan na nya kung ano man ang meron sa amin ni Elhie.

"Hindi ate ah... cross finger yan! Ganito oh..." pagpapalusot ko pero inismiran lang ako ng mabait kong ate at bumaling na ulit ng tingin kay Kuya Danny.

At tuluyan ng naghudyat ng pagtatapos ng laro. Panalo ang team nila Elhie sa score na 100-80. Galing ng Dodong ko.

Nakita ko na lang si Sharlene na nagtatatakbo papunta sa court at niyakap ng sobrang higpit si DJ. "Eh di kayo ng legal, kami na ang bawal😞"

"Momy Happy bilis po puntahan natin sila kuya, tara po...." etong si Elha kahit napaka liit eh halos mahila nya ako pababa. Pero nilingon ko muna si ate Cath...

"Bunso, magkita na lang tayo sa bahay mamaya. May pupuntahan lang muna kami ni Danny.." alam kong pilit inaayos ni ate ang mood nya. Si ate Cath kasi yung tipo ng tao na hanggat maari, hanggat kaya nya pipigilan nya ang sarili nya wag lang makasakit ng iba. At dama kong ayaw nya akong ma stress sa mga nangyayari.

"Pssst... Happy hihiramin ko lang muna ang ate mo, alam mo na babe time..." at kumindat pa si kuya Danny.

Binatukan naman sya ni ate Cath, natawa na lang tuloy ako. "Baliw! Hindi na ak mag di-dinner sa bahay ha? Ingat sa pag uwi bunso. Lab you..."

"Sige ate, lab you too. Enjoy kayo..." kahit papano na kumbinsi na akong okay na kami ni ate Cath. Mamaya na lang kami mag uusap. Tsaka bakit ba ganito kabigat ang pakiramdam ko? Kung tutuusin wala naman akong ginagawang masama eh. Wala kaming ginagawang mali ni Elhie. Siguro nagiguilty lang ako kasi hindi ko nasabi sa kanya yung tungkol sa pagtatapat ni Elhie sa nararamdaman nya sa akin.

"Yam!" Halos mapatalon ako sa gulat ng nasa harapan ko na pala si Elhie. Talagang nawala na ako sa wisyo.
"Okay ka lang Yam? Para kasing kanina ka pa di mapalagay eh... parang may gumugulo sayo..." ganun na pala ako ka obviouse na pati si Elhie ay napansin na.

"Ha.. wala eto.. Congrats Dong ah! Ang galing mo! Actually ang galing nyo ni DJ para kayong halimaw sa court. Galing ng tandem nyo. Im so proud of you..." pilit kong pinapasigla ang boses ko. Pero sa mukha pa lang  ni Elhie halata namang hindi ko sya na kumbinsi.

"Happy, DJ tara dinner tayo. Treat ni DJ." Sabay naman kaming  napalingon kay DJ at Sharlene na magka akbay pa. Save by the bell..

"Wui... yung totoo ang alam ko nagliligawan pa kayo tapos kung magharutan kayo dinaig nyo pa si ate Cath at kuya Danny sa kakirehan ah!" Pag uusisa ko.

"Ligawan? Tapos na yun..." banat pa ni DJ.

"Kasi kami na! Its official." Nakangiti namang sagot ni Sharlene.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon