Chapter 24

759 49 31
                                    



Kahit papano naman ay naihabol namin ang pa lunch para sa mga bata, kahit na medyo 30 mins late na bawi pa din sa sarap ng luto ni Yamyam. Tulad ng nirequest ko sinigang ang niluto nya. Dahil sa good boy daw ako kaya pagbibigyan nya ako. Papano mo ba namang hindi hahanapin ang pag aalaga ng isang Happy Dale Endozo kung alagang may halong pagmamahal ang kaya nyang ibigay sayo.

May 20 bata din ang sabay sabay naming pinapakain ngayon. Nasa edad 9 - 12 years old silang lahat. Sabi kasi ng namamahala dito nahahati daw ang mga bata sa tatlo. May 1 month to 4 years old, 5 - 8 yrs old, 9 - 12 yrs old and 13 - 18 yrs old. Nakaka lungkot na sa ganito humantong ang sitwasyon ng mga batang napabayaan ng mga magulang. Hindi ko lang ma imagine ang baby na nasa ampunan na at hindi man lang naranasan ang kalinga ng ina.

Naagaw ng atensyon ko ang dalawang lalaking mag eenjoy sa pagkain at halos ibigay ng medyo nakakatandang lalaki ang ulam nya sa isang batang katabi nya.

"Papano ka kuya Jay?"

"Eh diba kulang pa sayo ang pagkain mo? Sayo na yan, busog pa din naman ako."

"Salamat kuya Jay!😊" at agad naman kinain ng mabilis ang bata ang pagkain. Hindi ko namalayan sa nasa harap na pala nila ako.

"Boy, kapatid mo?" Tanong ko sa nagngangalang Jay.

"Hindi po, pero dahil halos dito na kami lumaki para sa akin para na syang nakakabatang kapatid.."

"Ganun ba, asan ba ang mga magulang nyo?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Ako po, nasangkot mga magulang ki sa droga. Pareho silang nakakulong ngayon. Dahil sa hindi naman kami kayang pasanin ng tyuhin ko. Kaya yung dalawang nakakabatang kapatid ko ang nasa kanya. Dahil sa may isip na din naman ako kaya ako na ang nagsabing ako na lang ang iiwan dito sa ampunan."

"Ako kuya, ang kwento sa akin ni sister iniwan lang daw ako sa gate dyan sa labas pagka panganak sa akin. Kaya wala talaga akong idea kuya kahit unang letra lang ng pangalan ng mga magulang ko eh. Pero buti na lang may kuya Jay ako. Kahit malaki man ang kulang sa pagkatao ko anjan naman si kuya Jay para iparamdam sa akin na may matatawag pa din akong sarili kong pamilya. Diba kuya!"

"Oo naman, sanggang dikit tayo diba? " naka ngiti namang sagot ni Jay at nag appear pa ang dalawa.

Lalaki man ako, pero tuluyang nanlambot ang puso ko sa kwento ng dalawang to. Na realize ko tuloy na may kanya kanyang pasan tayo sa buhay. Mabigat man ang pinagdaanan ko ay hindi ko naman din kaya ikumpara sa pinagdaanan ng dalawang bata sa harapan ko. Kung kaya nilang ituring na magkapatid ang isat isa kahit na hindi iisang dugo ang nananalaytay sa kanila. Sino ba naman ako para ipagkait kay Elha at sa amin ni DJ ang katotohanang iisang ama lang ang aming pinanggalingan.

"Wui! Dong okay ka lang? Bakit parang naluluha ka? Pulang pula mga mata at ilong mo oh, masama ba pakiramdam mo?" Sa sobrang lalim na ng inabot ng emotion ko hindi ko namalayan  na nasa tabi ko na pala si Happy.

"Okay lang ako Yam, umatake ata allergies ko sa alikabok kaya namumula ilong ko." Pagpapalusot ko.

"Alikabok? Mukha namang malinis dito ah.. pero may gamot ka bang dala para jan sa allergy mo?" Ang cute nya lalo kapag ganito sya't nag aalala.

Medyo nakakawindang at di ko alam kung papano ko sya malulusutan, mukhang ayaw ako tigilan ng Yamyam kong to.

"Happy..." save by the bell!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon