Chapter 43

676 34 47
                                    

Elhie's POV...

Halos hindi ako makagalaw at pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang truck ng semento sa kaba.  Mas lalo pang nagpalala ng nerbyos ko ang mas humigpit pa na pagkakahawak ni Happy sa mga kamay ko..  Lord buhayin nyo pa po kami please.  Madami pa po akong magagandang plano para sa future namin ni Happy please Lord....

Mas ikinagulat namin ni Happy ang sumunod na ginawa niya.  Dahan dahan nyang hinaplos ang buhok ni Happy saka niyakap ng mahigpit.  Ilang segundo din silang nasa ganoong posisyon pero ang Papang ni Happy ay wala ni isang salita man lang na binigkas.

Nanahimik na lang ako at hinayaang magka moment ang mag ama.. Sumunod na ginawa nya ay kinuha sa mga kamay ko ang bag ni Happy na pinaglagyan ng damit nito.  Pagkatapos ay kinuha nya ang mga kamay ni Happy at inalalyan papasok ng bahay.


"Pang please,  hindi ako umuwi lang dito para mag pretend na kunwari walang nangyari.  Andito kami Pang para pag usapan natin ang tungkol sa amin ni Elhie... " buong lakas namang hinila ni Happy ang mga kamay nito dahil hindi din huminto ang ama sa paghila sa kanya...



Wala ding pagdadalawang isip si Happy na bumalik sa tabi ko at hawakan muli ang kaliwang braso ko.  Nasa ganoong posisyon kami ni Happy ng ilang segundo pa ding nakatalikod ang Papang nya at tila nag iipon ng malalalim na hininga...



Nagkatinginan na lang kami ni Happy at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa isa't isa..  At dahil sa pagtitigan naming iyon ay hindi namin namalayan na nasa harap na pala namin ang Papang ni Happy...



"Pumasok ka sa loob Happy! " buong lakas na boses ng sabihin iyon ng Papang nya.




"Pang ano ba?!  Iiwas kana naman ba sa totoong isyu dito?  Ito ang reyalidad Pang.  Mahal ko so Elhie at mahal din nya ako. Nagmamahalan kaming dalawa.  Sapat na iyon para ipaglaban namin ang isat isa..."
Parang gusto kong icheer ang jowa kong to. Atapang talaga.  Harap harapan akong ipinagtatanggol sa kanya.. 



Pero sa totoo lang gusto ko ng magpalamon sa lupa dala na din ng tensyon sa mag ama.  Ang hirap mamagitan sa kanila




"Manahimik ka Happy!  Sobra sobra nang pambabastos at pagsuway mo sa akin ng dahil sa lalaking to!  Kung totoong mahal ka nito hindi nya hahayaang magkasira tayo ng ganito at hayaan kang bastos bastusin na lang ako sa harap nya!" napapikit na lang ako sa mga narinig ko sa kanya. 





Maka ilang beses din akong huminga bago ako nakapagsalita at napigilan si Happy na handa na namang sumagot sa ama nya. Dali dali kong nahawakan ang kamay nya,  dahilan para hindi na din sya magsalita..






"Mhie, please pumasok kana sa loob.  Tama na..  Hayaan mong ako na ang maki pag usap sa Papang mo..." hindi ko alam saang hangin ko nakuha ang lakas ng loob ko pero ang sarap sa pakiramdam.




"Hindi Dhie,  dito lang ako at tayong tatlo ang mag uusap.  Total tayo tayo naman ang involve dito eh... " at mas lalo ko pang ikinagulat ang side na ito ni Happy.  Puno ng tapang at galit na hindi ko na nagugustuhan. Kahit na ganito ay ama pa din nya ang nasa harapan namin ngayon at deserve nya ang respituhin.




Nagulat na lang kami ni Happy ng sa kalagitnaan ng diskusyon namin ay dahan dahang naglakad ang ama nito pabalik sa maliit ma terrace ng apartment nila at naupo sa rocking chair..  Halata dito ang pagod at lungkot kaya mas lalo akong naawa sa kanya.  Kaya muli ay binalingan ko si Happy na tuluyan na atang isinara ang isip sa mga ginagawa nya.





"Momy makinig ka!  Please..  Andito tayo para ayusin ang gulo. Pero sa inaasal mo ngayon Mhie mukhang mapapahamak pa ang Papang mo sayo.  Tingnan mo siya Mhie,,, " at unti unti nyang nilingon ang Papang nya.





Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon