Chapter 48

657 28 16
                                    



HAPPY'S POV...



            Kahit papano naman ay nakabawi na si Papang sa mga nangyari sa kanya. Buti na lang talaga at walang ugat na pumutok sa utak niya. Baka di ko na talaga kapag napahamak pa ang Papang.



            "Huy Bunso! Okay ka lang??" kalabit ni Ate Cath sa akin. Nakatulala nanaman pala ako habang naglalakad kami papasok ng school.



            "Ha, ah, eh, oo ate okay lang ako...



            "Sure ka? Para kasing hindi eh. tungkol nanaman ba kay Tito yan?"



            "Kasi ate natakot lang ako... Paano diba kung..." at agad naman akong pinigilan ni ate sa mga sasabihin ko pa sana.



            "Ano ka ba naman bunso, tapos na yun. Move on na tayo. Diba dapat ka na nga dapat magsaya . Okay na si Tito, isama mo pang welcome na si Elhie na bumisita sa bahay. So ano pa ba dapat mong ipag alala?" Napa isip ako sa mga sinabi ni ate.



            "Tangaap na nga ba ate? Sa tingin ko hindi pa eh. Malakas ang pakiramdam ko na may mali. May something kay Papang at Elhie."



            "Ha? Papanong may mali?" buong pagtatakang tanong ni ate Cath sa akin.



            "Ganito kasi yun ate, nung nasa ospital pa tayo nang nagisingan ko si Ellhie at ang Papang parang nag uusap sila ng masinsinan...."


            "So??? Baks naman may mga paalala lang si Tito kay Elhie.." dugtong pa ni ate.



           "Ewan ko ate, kasi after ng pag uusap nailang yun ay parang sobrang naging mailap si Elhie kay Papang. Tapos yung mga binitawang mga salita ni Elhie bago sya umalis ng ospital, parang may diin, parang may laman. Parang may galit si Elhie na hindi ko maintindihan..."



            "Hay naku bunso, over thinking ka lang. Wala naman akong napapansin na may ganun. ikaw talaga! Pero kung yan ang instinct mo mas mabuting kausapin mo si Elhie para mapanatag ka.. Sige andito na ako sa rrom ko.. At ikaw dumerecho kana din sa klase mo. I love you bunso.." pagpapaalam na ni ate Cath.



           "Love you too Ate.." at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ilang araw ko ng kinukulit si Elhie sa text pero puro okay lang, ayos lang ang isinasagot nya sa akin. At ang masakit lang sa ilang araw ko na syang kinukulit, ganun na din sya katagal na hindi nagpapakita sa akin... Kaya sana lang pumasok sya ngayon at kailangan kong maka usap para maliwanagan kung ano man ang nangyayari...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon