"DJ, sumabay kana sa amin." Tawag ni Happy nang makabalik na kami."Sabay? Bakit iisa ba tayo ng bahay na inuuwian? Hindi na uuwi na din ako!" Dama ko ang tensyon kay DJ. Sure naman akong gets na nya ang ibig sabihin ni Happy sa kanya.
"Baliw ka talaga! Sino ba nagsabi na iisa tayo mg bahay na inuuwian. Sumama kana para mapakilala kana kay Elha." Pangungulit pa nya.
"Kilala na ako ni Elha hindi na kailangan yun!"
"Hindi yun! Ang slow ah! Ibig ko sabihin magpakita kana kay Elha at ipaalam nyo na sa kanya na okay na kayo ni Elhie. Naku siguradong matutuwa yun. Pinangarap lang nya yun dati at buong buo ang tiwala nyang matutupad yun. Kaya tara na at excited na ako!" At usual na happy reaction niya. Pinili ko lang manahimik at nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Talaga ba? Sa tingin mo matutuwa sya?" Hindi ko alam kung anong emoji ang gagamitin ko sa facial reaction ni DJ. Parang ganito.. 😒.
"Sus DJ, Oo naman as 100% legit yun. Ikatutuwa ni Elha yun. Ano tara na? Papara na ako ng taxi ha?"
"Hoy Elhie, yung totoo? Bakit no comment ka jan? Magsalita ka kaya! Kailangan ko ng opinyon mo!"
Napangiti ako ng marinig ko si DJ. "Alam mo DJ, kapatid ko si Elha pero mas kilala sya ng Momy Happy nya. Kaya kapag sinabi nyang magiging masaya si Elha legit yun kaya wag kana maarte. Lalo tayong natatagalan eh." Sagot ko.
"Langyang yan! Bakit ba ako kinakabahan!" Halatang halata sa kanya ang pagkabalisa.
"Ehem ehem excuse me lang guys ha, mauuna na ako. Hehe kanina ko pa sana gustong umexit eh. Bye!" Saka lang namin naalala na kasama pa pala namin si Sharlene. Pare pareho kaming tatlong hindi nakakibo, pero yumuko lang ito at dahan dahan na ding umalis.
"San mo sa tingin ka pupunta?" Minsan talaga hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ng mga kababaihan si DJ kung tutuusin bastos itong kausap lalo na kapag ina approach.
Natigilan sa paglalakad si Sharlene dahil alam naman nyang sya ang tinutukoy nito. "Ha? Ah eh.. uu. Uuwi na?!"
"Mamaya kana umuwi, samahan mo muna ako sa bahay nila Elhie ako ng bahalang maghatid sayo. Mahilig ka naman ata sa bata diba?! Kelangan ko ng back up baka kasi pagkaisahan ako ng magjowang to eh!"
At halos sabay pa kami ni Happy na napatingin sa kanya.
"Na buang kana!" At pinikon na naman nya si Happy.
"Tara na ng matapos nato!" Wala syang paki sa galit ni Happy. Nagpatiuna ito sa paglalakad at agad hinawakan ang kamay ni Sharlene at pumara ng taxi. Iba din talaga ang pagiging matinil ni DJ sa babae. Lahat napapasunod nya. Lahat kaya nyang gawin kahit ano pa man yan!
Napansin ko ding natulala si Happy kaya nilapitan ko na din sya at dahan dahang hinawakan sya sa balikat. "Okay ka lang Yam? Pagpasensyahan mo na lang, parang hindi naman natin kilala ang mokong na yan. Kailangan masanay kana! Hahaha parte na sya ng buhay namin ni Elha." Kita kong kahit papano ay napangiti ito at ini angat ang tingin sa akin.
"Okay lang ako Dong. Masasanay din ako sa pag ka balaura nyang kapatid nyo. Kung hindi lang dahil kay Elha talaga tinanggalan ko na yan ng tonsils para di na makapagsalita eh!" At nagkatawanan kaming dalawa.
Habang nasa taxi kami ay kita ko mula sa salamin ang tensyon kay DJ. Katabi kasi ako ni Manong driver samantalang magkatabi naman sa likod si Happy, Sharlene at DJ. Kanina ko pa napapansin ang maliit na stuff toy na hawak hawak nya. Kung di ako nagkakamali ay binili nya yun sa isang tindahan bago kami bumiyahe pauwi.. isa pa sa napansin ko ay ang mahigpit na pagkakahawak nya sa kamay ni Sharlene na akala mo ay jowang nag hoholding hands. Mukhang wala lang naman kay Sharlene yun. Iba nga talaga ang kamandag ng isang DJ. Buti na lang at hindi nya nabiktima ang Yamyam ko kung hindi sasakalin ko sya.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...