Chapter 18

1K 58 21
                                    



"Ano na bang nangyayari?" Agad bungad ni Papang sa video call. Hindi masyadong halata sa Papang na galit sya. Kalmado pa sya nyan. Pero puso ko gusto ng sumabog sa kaba!

"Pang bakit ganyan agad bungad? Nawawala pag ka adonis mo oh!" Biro ko sana lang umubra...

"Asan ang ate mo?" Mukhang wa epek kay Papang ang strategy ko, kaya umayos ka Happy..😔

Nang marinig ni ate na hinanap sya ay maka ilang beses muna itong huminga ng malalim saka humarap sa camera na akala mo walang tensyon na nangyayari.


"Yes Tito... hanap mo ba ang pinaka maganda mong panganay?😜" geh ate push mo baka sakaling sayo umubra. Panay naman ang kalabitan namin ni ate sa ilalim ng mesa. At talaga namang wala na atang lalamig pa sa mga kamay nya.

Sinamaan lang kami ni Papang ng tingin at walang ano man syang salitang binitawan sa amin. Pakiramdam ko tuloy para akong dinudurog ng Papang ko sa mga tingin nya kaya pinutol ko na ang katahimikan sa aming tatlo.

"Pang naman kasi, wala namang nangyayari. Normal flow pa din naman ng buhay Pang..." pilit kong ikinakalma ang sarili ko dahil alam ko naman na wala akong karapatan na pag taasan ang ama ko ng boses.


"Ikaw Happy at Cathy! Kahit milya milya man ang layo nyo sa akin. Alam kong may hindi magandang nangyayari jan!" Bulyaw nya sa amin.

"Pang naman oh!" Pilit ko pa din nilalabanan ang sarili ko kaya pinasimplihan ko ang Papang.


"Manahimik ka! Ayaw kitang kausap! Ikaw Cathy!" Napayuko na lang ako.

"Ti.. Tito..."

"Ipinagkatiwala ko sayo iyang si Happy! Baka pwede namang doblehin o kung pwede ikadena mo yan nang di pa maligawan. Tsaka anong meron at may lalaki kayong pinapasok jan sa apartment nyo?!"

"Pang! Seryoso? Advance lang mag isip? Ligaw? Ligaw agad agad? Pang, kaibigan ko lang po si Elhie at wala pong malisya ang pagpunta nya dito sa bahay. Gusto lang talaga ako makita ng kapatid nya. Pang naman..."


"Diba sabi ko ayaw kitang kausap! Manahimik ka Happy!" Kita ko ang galit sa mata ng Papang. And this time alam kong di na sya nagbibiro kaya kahit mabigat man sa loob ko na di ko maipagtanggol ang sarili ko minabuti ko na ang manahimik nalang kesa mauwi pa kami sa sagutan ni Papang.😭😭😭


"Cathy!"

"Tito..." mahinahong sagot naman ni ate. Nakakatouch lang ang ate dahil hinawakan nya ang kamay ko na tila nagsasabing ayos lang ang lahat.

"Subok na subok na kita sa pagdisiplina mo sa sarili mo. Alam kong natapos mo ang pag aaral mo ng hindi ka sumubok na magka boyfriend. Sana yun din ang ituro mo jan kay Happy. Maasahan ba kita?"


"Tito, kasi po.. Kasi wala naman po talagang masamang ginagawa si Happy. Totoo pong magkaibigan lang sila. Wag po kayong mag alala hindi ko po hahayaang mapahamak si bunso." Sagot ni ate sa pinaka mahinahon nyang paraan.


"Wag nga ako! Lalaki din ako. Kahit na hindi ko pa nakikita at nakikilala yang lalaki na yan ng personal alam ko mga galawan at paraan nyan. Higit sa lahat mabigat ang loob ko sa kanya. Hangga't maaari iiwas mo si Happy. Sya sige na at papasok na ako. Sana huling beses na pagtatalunan natin ang tungkol sa isyu na to! Sige ma mag iingat kayo jan. Bye!" Sabay patay nya sa video call. Napayakap nalang ako kay ate Cath.


Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon