Chapter 19

978 50 21
                                    



Isang normal na araw at umaga sa aming lahat. Pagkatapos ng pagkapanalo nila Elhie kahapon ay biglang nag iba si Dodong. Naging napaka bibo na nya at bigay todo sa mga banat nyang mapapa isip ka nalang kung may laman ba o sadyag pahaging lang.... Pero pinilit kong baliwalain yun. Mahirap na at baka kapag nagpatangay ako makalimot ako sa golden rule ng Papang ko.


Kahit na hindi pa din kami okay ni Papang kelangan pilitin kong maging okay pa din. Mula kasi ng huli naming pag uusap ay hindi na sya tumawag pa ulit. Maka ilang beses na din ako nag message sa kanya kaso seen zone lang niya ako. Haist...

"Yam! Okay ka lang?" Nabalik ako sa wisyo ko ng kalabitin ako ni Elhie.

"Ha? Ah eh oo., okay lang ako Dong.." at napabuntong hininga ako. Haist...

"Mukhang masyadong malalim ang pinanggalingan nun Yam, kung ano man yan pwede mo yang ishare sa akin. Promise makikinig ako. Good listener ako."

"Wala to Dong, hindi lang ata talaga maganda ang gising ko kanina. Wag mo na ako masyadong pansinin..." pag sisinungaling ko habang naglalakad kami papuntang classroom.

Nagulat ako sa mga sumunod nyang ginawa. Bigla nalang syang huminto sa paglalakad at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko sabay hila sa akin sa kung saan.

"Buang ka man Dong, malalate na tayo saan mo ba ako dadalhin?" Sunod sunod kong tanong sa kanya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.


"Isa! Bumalik na tayo Dong! Mapapagalitan na naman tayo ni Mam Papio nyan eh!" Pilit pagpupumiglas ko pero sobrang lakas ni Elhie at nakaka inis na!😤


"Babalik lang tayo sa klase kapag sinabi mo na sa akin yang bumabagabag jan sayo. Sige na makikinig ako.." saka lang nya ako binitawan ng mapadpad kami sa kung saang parte ng skwelahan nato...


"Dong wala nga.. Promise. Tsaka akin na lang yun..." pagmamaktol ko.


"Please Yam hindi ako sanay ng ganyan ka pakiramdam ko tuloy sa akin ka galit." Agad akong napa angat ng tingin sa kanya dahil sa mga sinabi nya.



"Nah! Mali yang nasa isip mo Elhie, alisin mo yan sa utak mo kainis to! May mga bagay lang talaga na hindi ko pwede ishare. Ipa ubaya mo na lang lasi sa akin to..."


"Ah... mukhang ako nga ang dahilan ng pagkakaganyan mo.. halika na balik na tayo sa room..😟" bushak talaga nakakakonsensya na nakaka inis ang mukha ni Dodong. Bakit ba ayaw nya akong tantanan. May mga bagay lang kasi na hindi dapat shinishare... Naman!!!😩



"Elhie!" Tawag ko pero hindi nya ako pinakinggan at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. "Dong! Isa bumalik ka dito kung hindi never na talaga kita kakausapin!" Buti naman at nakinig ito at hinarap ako ng nakayuko pa din.



"Hindi ikaw okay? Ang Papang ko, ilang araw na kasi syang di tumatawag at di ako sanay. Madalas bago ako pumasok sa school kami ni ate lagi kaming mag vivideo call para makamusta ang isat isa. Tapos ngayon ni hi ni ho, kahit simpleng message lang na kamusta di nya nagawa kaya ang hirap...😭" di ko na napigilan ang sarili kong di maiyak, kaasar!


Kaya ayaw ko ng pinag uusapan mga problema ko sa buhay kasi madali akong maiyak at ayaw kong may nakakakita sa akin na ganito ka down. Sa sobrang naka focus ako sa emosyon ko di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Elhie at yakap yakap na nya ako.


Hindi ko maintindihan ang sarili ko, dapat makaramdam ako ng awkward sa aming dalawa pero comfort, 100% na comfort ang hatid sa akin ng yakap ni Elhie. Kahit papano ay naibsan lahat ng bigat sa loob ko na kanina ko pa dinadala.



Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon