Tulad ng napag usapan namin kanina ni DJ sabay kaming mag la-lunch at sa di inaasahan namang pagkakataon bigla namang nag aya si Elhie. Oh my gosh,,,, pagkakataon na namin tong dalawa para makabuo ng magandang samanahan.. Pero pano???😟.
"Happy lika na, sabay na tayo mag lunch..." di man malambing ang pagkakasabi ni Dodong ng mga salitang yun pero parang napaka sweet ng tagpo na yun para sa akin..
"Ha...ah...eh..."
"My Happiness lets go,,,"
Talagang uminit ang pakiramdam ko nang biglang sumulpot si DJ sa harap namin ni Elhie. Napatingin ako kay Dodong. Napa iling lang sya sabay lagay ng earphones at dumederecho sa pag alis.
"Dong, sandali...." sigaw ko, umaasa na pakinggan ako at lumingon kaso hindi naman sya nalingon.
"Happy may problema ba?" Tanong ni DJ.
Tinitigan ko muna sya ng matagal at napabuntong hininga. Kabastusan naman din kung iiwan ko si DJ at hindi tutupad sa naging usapan namin..
"Wala naman DJ, tara..." at nginitian ko sya. Bahala na lang mamaya. Aamuin ko na lang si Elhie.
Habang naglalakad kami ni DJ napansin kong madaming mga mata ang tila nakamasid lang sa amin. May mga mukhang natutuwa pero mas madami ang hindi naliligayahan. Problema ng mga taong to!
Hindi na ako komportable kaya dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay nya sa balikat ko. Lalo na ng madaanan namin si Sue na tagos hanggang buto ko ang sama ng tingin nya sa akin...
"May problema ba Happy?" tanong nya sa akin ng ibinaba ko ang kamay nya. Iba din itong DJ nato eh minsan sarap ng ibaon sa lupa ng matauhan naman haist..
"Wala naman DJ pero sana hanggat maaari iwas iwasan mo yung pag akbay mo sa akin? Nakakailang kasi, isa pa baka ma mis interpret pa ng iba. Ayaw ko ng madaming isyu. Lalo pa't famous ka sa school nato..'' pasimple kong sabi sa kanya. Sana lang hindi nya masamain.
"Thank's for the compliment Happy, pero wala naman atang mali sa ginagawa natin diba? I mean were friends, super friends. Walang malisya at tungkol naman sa mga nakapaligid sa atin I don't care. Kaya tara na wag kana masyadong mag isip. Relax.. Akong ng bahala sayo.." Oh diba iba sya? Sakit din talaga sa ulo eh, haist....
Tulad ng sinabi nya wala daw syang paki kaya nagpaka feeling pa din sya at patuloy pa din sa pag akbay habang naglalakad kami papuntang canteen. Kahit makipag balitaktakan pa ako sa lalaking to hindi pa din ako uubra..
Pagkapasok namin sa canteen ay agad naman syang nakakita ng bakanteng mesa para sa aming dalawa. Infairness napaka gentlemen naman nya inalalayan nya muna akong maupo...
"Anong gusto mong kainin Happy?"
"Ikaw na ang bahala DJ, total naman mas matagal kana sa school nato iorder mo na lang ako ng pinaka the best na pagkain nyo dito. Yung bestseller ha...."
"As you wish my princess.." sabay ngiti nya ng pagkatamis tamis samahan pa ng pakindat nyang nakakagulat. Windang na windang na ako sa pinag gagagawa ng DJ nato. Dyos ko!
Habang inaantay ko si DJ ay napa ikot ang mata ko sa loob ng canteen. Infairness ha yayamanin ang disenyo ng canteen. Kala mo nasa high class resto ka.. At habang patuloy pa din ang mata ko sa paglilibot ay di inaasaahang anghel ang nakita ng mga mata ko. Ang dodong ng buhay ko. Paka seryoso talaga sa buhay.. Naka earphone, naka tutok sa phone nya habang kumakain. Talagang nilagyan ni Elhie ng sarili nyang pader ang mundo nya. Walang pwedeng makapasok kundi sya at si Elha lang...
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...