Chapter 42

562 39 26
                                    

HAPPY'S POV....



Wala na atang sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka sa tabi ng pinakamamahal mo. Nagising akong yakap ng mahigpit ni Elhie. Yakap na dama mong ayaw ka nyang mawala sa tabi nya, yakap na alam mong mamahalin at ipaglalaban ka nya anu't anuman ang mangyari..



Dahil sa himbing ng pagkakatulog ng jowa ko ay di ko napigilan ang sarili kong titigan sya mula sa buhok, mata, ilong na bushak napaka perpekto! Mga pisnging akala mo eh naka blush on. Sa kinis ng mukha mahihiya ang mga pores na sumingit man lang kahit sa dulo lang ng balahibo nya sa mukha...



Hanggang sa inabot ng pilya kong mata ang mapupulang labi ni Elhie. Muli tuloy naglaro sa isipan ko ang kapusukan namin ni Elhie kahapon. Sa bawat malalalim na halik na ibinibigay sa akin ni Elhie ay kakaibang sensasyon at kuryente ang naramdaman ko. Dama ko na halos mawala na siya sa katinuan nya at ako naman handa ako kung may nangyari man sa aming dalawa kahapon. Mahal na mahal ko si Elhie at sigurado akong ganun din si Elhie kaya wala akong takot na may pag sisihan kami sa huli.



Pero mas pinili pa din ni Elhie na gawin ang tama at manindigan. Syempre sa sitwasyon namin ngayon nung una di ko agad sya naintindihan akala ko naduwag lang sya kaya hindi nya tinuloy pero dahil na din sa mas pinairal naming balansehen ang puso at isipan kaya mas naging open minded kami ni Elhie sa mga posibleng maging resulta ng mga desisyon namin.



Papano mo bang hindi mamahalin ng sobra ang isang Elhie John Ventura,, gwapo na, may paninindigan pa. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong halikan sya pisngi kaya nagising na din ito, at ang maharot napayakap pa ng sobrang higpit sabay landing ng nguso sa noo ko..



"Good morning Momy ko, ang aga aga mo naman ata akong pinagnanasaan... " pag uumpisa ng maharot kong jowa..



"Eh kung ganito ba naman ka gwapo ang nakapulupot sa pagkatao ko eh talagang di ka pagsasawaang pagnasaan Dhie... " syempre palaban ako papatalo ba naman ako.



"Naku Mhie, wag talaga ako lalo na kapag ganitong umaga. Baka magulat ka na lang may biglang manigas at bumangon kang maramdaman. Wala akong kasalanan jan, ginising mo talaga ang karupukan nya... " halos mamilog ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya lalo na ng maramdaman kong may bigla na lang sumagi sa hita ko kaya napabangon ako ng wala sa oras..



Walang pagdadalawang isip akong tumayo at dali daling naglakad papuntang pinto. Bigla akong nahiya sa pinag gagagawa ko. Pero bago ko pa man mahawakan ang door knob ay nayakap ako agad ni Elhie mula sa likod ko.




"Not too fast Mhie, panindigan mo ako.. Hinarot harot mo ako tapos itetengga mo ako ng ganito? Humanda ka sa akin..." natawa na lang ako dahil alam kong nag bibiro lang sya.


"Baliw kana naman Dhie! Tama na yan gutom na ako. Halika na lumabas na tayo... " hindi ko na sya pinagsalita at basta ko na lang binuksan ang pinto kahit nakapulupot pa sya sa likod ko.



Halos napatalon ako ng bigla na lang tumumba sa may pinto si DJ at Sharlene.. Agad naman bangon ng dalawa at patay malisya na tumayo.




"Lumabas na kayong dalawa jan at nakahanda na ang almusal... " si DJ na agad naman inakbayan si Sharlene at naglakad ng derecho sa kusina.


Bigla namang akbay si Elhie sa akin... "Tingnan mo tong si DJ at Sha, ang galing lang eh nuh! Patay malisya. Pero ang totoo kanina pa yan nasa pinto at pinakikinggan lang tayo... "



Siniko ko sya sa tyan para manahimik na.



"Aray Mhie, maniko talaga? "



Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon