Chapter 1

1.3K 32 19
                                    

Awkward

Tulala akong naka-upo sa isa sa mga upuan sa palaging tinatambayan naming magpipinsan tuwing vacant time namin. Nasa tapat lamang ito ng University na pinapasukan namin. napatitig ako sa dalawang kahon ng Pizza na binigay sa 'kin ni ate Nicolette kanina bago s'ya pumasok.


Ako lamang mag isa ang nandito ngayon. This place is exlusively for us only, para rin s'yang bahay kung titingnan ngunit iisang kwarto lamang at merong Comfort Room. Airconditioned ang buong silid at merong tatlong mahahabang couch at television set.


Muli ko nanamang naiiling ang ulo ko nang muli kong maalala ang nangyari kagabi. I didn't expect that these two boxes of pizza in front of me was the reason of lossing my first kiss. Nakakainis lang talaga isipin na ipapahamak ako ng pinakapaborito kong pagkain.


Napa-face palm na lamang ako nang maisip ko si Grae. Anu nalang kaya ang gagawin ko mamaya kapag magkita na kami? I don't know how to deal with him after what happened last night.

Pilit ko ng kinakalimutan ang nangyari sa aming dalawa pero tuwing iniisip ko na magkakaharap kami parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Siguro nga dahil apektado talaga ako sa nangyari kagabi.

Tinitigan ko lamang ang chat sa'kin ni Darcy na papunta na s'ya rito. Mabuti naman at may makakausap na ako. Mababaliw yata ako kapag nagtagal pa ako rito. Sobrang aga kong pumunta rito dahil iniiwasan kong magkita kami ni Grae sa mansion. Hindi pa talaga ako handa para harapin s'ya.


Napalingon ako nang bahagyang bumukas ang pintuan.


Finally, Darcy is here.

"Finally, you---" natigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ko na hindi si Darcy ang pumasok kundi ang taong laman ng isip ko. What the heck is he doing here?

Napansin ko rin ang bahagyang pagkagulat niya. Oh no! God. Give me strenght! Nanghihina ako.

"Yasshie..." Sambit n'ya sa pangalan ko at dumeretsong pumasok sa loob kaya napalunok ako ng laway ko.


Umupo s'ya sa kabilang couch at sinapo ang kanyang ulo.

"My head is aching. Damn this hangover!" Reklamo niya.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Anu ba kasi ang dapat king gagawin? Sasagot ba ako o mananahimik?

Shit Yashie! Anong ginagawa mo? Utter a word. But wait.... Bakit parang wala lang sa kanya ang harapin ako? hi-hindi niya ba naaalala ang nangyari kagabi?


Napatingin ulit ako sa kanya nang muli s'yang nagsalita.


"Wow? Pizza. Sa'yo ba 'to?" Manghang sabi niya.


"Huh? Ah oo. That's mine." Nauutal na sabi ko.


"Can I have one? Hindi pa ako nakapag-breakfast." Aniya.

"Sige, Sure."

Totoo ba 'to? Ngayon lang yata kami nag-usap na kami lang din ang magkaharap. Bakit ang awkward sa pakiramdam?

Pinanood ko lang siya sa gilid ng aking mga mata na kumuha ng isang slice ng pizza at kinain iyon.


Mga ilang minuto pa ang nakalipas at halos nakakabingi na ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Anong gagawin ko? Wala akong maisip na sabihin.


Sabay kaming napalingon nang biglang lumagabog ang pintuan at pumasok doon si Darcy.


Tss. Too careless but thanks to her she saved me.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon