Protected
"What did I just heard? Anong dapat niyong itagong dalawa?"
Halos mataranta kaming dalawa ni Darcy at sabay na napa-tayo.
"Secret na namin ni Yashie 'yon ate. Secret means hindi pwedeng sabihin." Ani Darcy saka tumawa. Marahan niya akong hinampas sa balikat kaya pinilit ko nalang ang sariling ngumiti kahit kinakabahan pa rin ako.
Inikutan lang kami ng mga mata ni ate Nics.
"Kayong dalawa ha. Nag-lalandi na kayo ng patago 'no?" Nakangising pangungulit niya sa amin.
"Hindi kaya. Bantay sarado kami ng mga boys dito. Nakakainis na nga eh." Ani Darcy at hinila ako sa braso. "Mauuna na nga kami ni Yashie, may klase na kami."
"Baka may ime-meet kayo sa labas?" Pahabol pa ni kuya Danrixx.
Tinawanan ko lang ang sinabi niya saka nag-paalam na sa kanilang lahat. Napansin ko na hindi inaalis ni Grae ang mga mata niya sa amin hanggang sa makalabas kami.
"Woah! Muntik na tayo. Para akong atakehin sa puso. Mauuna pa yata ako sa 'yo sa labis na kaba Yash." Ani Darcy nang makalayo na kami.
Pilit akong tumawa para kumalma siya. Kahit ako ay kinabahan rin at hindi ko na nga nagawa pang magpaalam kay Grae sa labis na pagmamadali. Mabuti nalang talaga at 10 minutes nalang din at magsisimula na ang next class ko.
"It's okey Darc. Thank you talaga." Ani ko at niyakap siya.
Humiwalay din agad ako sa kanya dahil magkaiba ang building na tutunguhin namin since magkaiba ang kurso na kinukuha namin.
"Kuya mo ba ang susundo sa 'yo ngayon?" Kausap sa akin ni Nina. Kasama ko siya ngayon nakaupo sa isang bench malapit sa gate ng University.
Umiling ako sa tanong niya.
"Siguro. Kung mauuna siyang dumating. Pwedeng ding pinsan ko." Sagot ko.
"Yashie.. The demon is coming. Umalis muna tayo dito." Nababahalang sabi ni Nina.
Tinutukoy nito si Nexxus. Ang ka blockmates namin sa isang minor subject na palagi akong kinukulit na ihatid sa bahay. I'm not judging him but I don't like his attitude. Napaka-over confident niya minsan at para sa kanya kung anong gusto niyang mangyari ay dapat masusunod.
"No. I stay here baka anytime dadating ang sundo ko. Wala naman siyang mapapala sa 'kin." Ani ko.
"Sige. Ikaw bahala." Aniya at muling umupo sa tabi ko.
"Hi there pretty Yashie Adisson." Maangas na bati nito sa akin nang makalapit ito.
"Hello." Bati ko rin sa kanya.
"Wala pa rin ba ang sundo mo? Sa akin ka na sumabay." Muling alok niya sa akin.
"It's okay. Hihintayin ko nalang si kuya, sooner darating na 'yon." Pag-dadahilan ko.
"Come on. Hindi na 'yon darating. Ilang beses mo na akong tinatanggihan alam mo bang nakaka-offend ka na." Aniya at biglang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha.
"I really appreciate your offer Nex pero I'm sorry, si Kuya kasi talaga ang susundo sa 'kin." Muli kong tanggi. Hindi naman dahil lang sa hindi ko nagugustuhan ang ugali niya kaya ayokong tanggapin ang tulong niya. Simula palang noong bata pa ako hanggang ngayon nasasanay na talaga ako na sumasabay sa kuya at mga pinsan ko at kung walang ibang choice mas pipiliin ko nalang mag-taxi.
"Ang tigas naman niyang puso mo, 'yan na ba ang epekto ng operasyon mo?" Aniya na ikinagulat ko. Ibinagsak nito ang dalang back pack sa harap ko kaya mas lalo akong nainis.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...