Chapter 40

556 17 22
                                    

Don't leave

Ramdam ko ng pinagpapawisan na ako habang dahan-dahang binuksan ni kuya Jared ang pinto. Sumunod agad ako sa likuran niya.

Tumigil kami at hinarap ang mga bantay na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapaalis ni Daddy.

"Magpapa-hangin lang kami ng kapatid ko sa Garden. 'Wag na kayong sumama." Ani kuya.

"Pero sir, gabi na po. Baka pagalitan kami ng Daddy niyo." Protesta pa ng isang guard.

"Babalik din kami agad. Hindi niyo ba nakikita? Buong araw na nagkulong sa kwarto ang kapatid ko, pati ba naman pagpapahangin hindi niyo pa papayagan?" May halong pagka-irita na sabi ni kuya.

"Sige po sir. Mag-ingat lang po kayo at bumalik agad." Sagot nila.

Sumenyas naman si Kuya na sumunod ako sa kanya. Nang makaliko kami sa isang pasilyo ng hospital, biglang bumilis ang hakbang niya.

"Tandaan mo Yash, ito na ang huling beses na susuwayin natin sila Dad." Aniya sa akin at tumango lang ako. "Sa Elevator na tayo dumaan para mabilis tayong makalabas."

Nang malapit na kaming makarating sa elevator, bigla itong bumukas at nagulat ako nang lumabas mula roon si ate Nics. Anong ginagawa niya rito? Maging si kuya Jared ay natigilan din.

"Patay tayo!" Aniya at napasapo pa sa noo niya. "Tara, dito na tayo dumaan." Dagdag niya at hinila na ako.

"Jared! Saan kayo pupunta?" Dinig kong habol ni ate Nics sa amin.

"What the hell! She's following us!" Mura ni Kuya dahil hinahabol kami ni ate Nics.

"Jared! Tumigil kayo or else tatawagan ko si tito Cullen." Warning nito sa amin.

"Kailangan ko siyang pigilan. May nag-aabang na sasakyan sa 'yo sa parking area. Pumunta ka na ro'n." Utos nito sa akin. Tumango ako.

"Salamat kuya. Pangako mag-iingat ako." Sagot ko.

Hindi pa man ako nakahakbang ay may humuli na ng kamay ko at hinila ako. Napasinghap ako dahil doon.

"Israel!" Bulalas ko.

"Sumunod ka sa 'kin. I'm here to help." Aniya at hinila na ako.

"Israel! Isusumbong ko kayo kung anuman 'yang binabalak niyo." Sigaw pa ni ate Nics.

Hindi na ito ngayon makahabol sa amin dahil hawak-hawak siya ni Kuya Jared.

"Mapapagalitan ka." Ani ko sa kanya.

"Hayaan mo siya. 'Wag mo na pansinin si ate." Aniya at binilisan pa ang hakbang. Pababa na kami ngayon ng hospital.

Nang makarating kami malapit sa exit, nagulantang ako nang marinig ang boses ng mga bumabantay sa 'kin na humahabol sa amin at ngayon ay nasa second floor na sila.

"Chill ka lang. Malayo pa ang mga 'yan." Ani Israel sa akin at nilingon ang mga bantay na tumatakbo pababa. "Mga pagong! Ano? Wala na bang mas mabilis diyan?" Sigaw niya.

Tinampal ko siya sa dibdib at tinulak na palabas. Nang makalabas kami sa hospital agad naming tinungo ang parking area pero may dalawang guard na humarang sa amin. Malamang ay tinawagan na ito ng mga bantay na binayaran ni Daddy.

"What the fvck." Mura ni Israel.

Lumapit sa akin ang guard at kukunin sana ako kay Israel pero mabilis akong tinago nito sa likuran niya.

"Ops! Sandali lang, hindi pa siya pwedeng bumalik." Apela niya at lumiko kami sa kabilang daan.

Pareho kaming tumigil nang may humarang na sasakyan sa harap namin.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon