Changes
Three days had passed at masasabi kong merong nagbago. Parang bumalik kami sa dati naming ugnayan ni Grae. Hindi siya sumasama maging sa mga pinsan at kuya ko. Hindi rin kami nag-uusap at madalang ko lang siyang nakikita sa University.
Kahapon nakita ko siya pero hindi niya ako nakita. Meron siyang kasamang babae. Matangkad at maputing babae na blonde ang buhok. Hindi si Kate ang kasama niya at siguro tinotoo niya nga ang sinabi niya sa akin.
Hindi ko maiwasang kumirot ang dibdib pero masasanay din naman ako sa ganito kapag nagtagal. Ako mismo ang nagtulak sa kanya kaya wala akong karapatang magselos at masaktan. He's being at it again. He's playing with the girls dahil akala niya iyon ang gusto kong gawin niya pero ang totoo hindi naman talaga. Pero, 'yon lamang ang naisip kong paraan para makalimutan niya ako. I have to push him away and force him to divert his attention to other girls just to forget his feelings toward me.
Mabagal akong naglalakad palabas ng University. Balak ko munang tumambay sa tambayan naming mag-pipinsan dahil isang oras pa bago ang susunod kong subject. Pwede pa akong makatulog nito.
Napangiti ako nang makita ko mula sa malayo si ate Denisse na kumakaway sa akin. She's Kuya Danrixx childhood bestfriend at kilala namin siya simula pa noon. I waved back and smiled at her. Mag-kasama silang dalawa ni Kuya Danrixx kaya nang makita ako ng pinsan ko ay muli akong kumaway.
Bigla akong nagtaka nang mapansing sumesenyas silang dalawa sa akin. Hindi ko naintindihan ang ibig nilang iparating kaya nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
"Yash, tumabi ka!" Saka lamang ako napalingon sa gilid ko nang marinig ang sigaw ni Kuya Danrixx.
Mabilis akong napa-atras nang makitang sobrang lapit na ng mga Criminology students na nag-ja-jog sa buong field at maging saang sulok man ng University. Bigla akong napatili nang matalisod ako at buong akala ko'y babagsak na ako sa lupa.
Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagbagsak ko pero naramdaman ko ang dalawang kamay na sumalo sa akin mula sa likuran. Mabilis akong dumilat at tumuwid ng tayo. Tiningnan ko kung sino ang tumulong sa akin at halos matuyo ang lalamunan ko.
"Grae?" Sambit ko sa pangalan niya. "Sa-salamat." Ani ko pero hindi niya na yata narinig pa iyon dahil agad na siyang tumalikod. Buong akala ko ay aalis na siya pero hinarap niya lang pala ang babaeng kasama niya. Ito ang babaeng kasama niya kahapon. Ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha habang matamis na ngumingiti kay Grae. Bagay sa kanyang medyo kulot na buhok ang Golden White na color nito.
Bigla akong nanliit habang tinititigan sila. Parang sasabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Napalingon ako nang dumating sina ate Denisse at Kuya Danrixx.
"Yash, mabuti nalang at nandiyan si Grae sa likuran mo." Ani ate Denisse. Ngumiti lang ako at tumango.
"Hey dude.. magkakilala kayo ni Ms. Tourism ah?" Nakangising sabi ni kuya Danrixx kay Grae.
"Kilala mo?" Tanong agad ni ate Denisse.
"Yup. Nagkakilala kami no'ng University Day." Sagot naman ni Kuya.
Ngumisi lang si Grae at hinawakan sa beywang ang babae.
"We're dating, Drixx. Just so you know." Anunsiyo ng babae na mas lalong nagpasama sa nararamdaman ko.
"Mauuna na kami." Paalam niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Naikuyom ko na lamang ang aking kamao at bumuntong hininga. They're dating. I should be happy. Pero bakit naiinis ako? Bakit nasasaktan ako? I'm in a deep shit. I felt like I'm broken. How can I escape this thing, kung ako mismo ang nagpapahirap sa sarili ko?
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...