Chapter 45

841 19 26
                                    

Happy New year guys. Kahit late na babati pa rin ako:)





Almost


Awtomatikong tumigil ang sasakyan ko na ipapasok sana sa loob ng bakuran ng mansyon. Nataranta ako nang makita si Yashie na parang wala sa sarili nito. Mabilis akong lumabas ng sasakyan para lapitan siya.


I was suddenly frost when I saw her face almost dying. Inaatake nanaman ba siya sa sakit niya sa puso?


I pannicked when I saw her shaking and cry. Hindi na ako nag aksaya ng oras at mabilis siyang dinaluhan.


"Yashie! What happened? Bakit umiiyak ka?" I shouted.


Hindi siya sumagot dahil para itong nawawala sa sarili. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang nangingitim ito sa paningin ko.


Tuluyan siyang nawalan ng malay kaya sinalo ko siya bago tumama sa lupa.


"Damn!" Mura ko at parang nawawala na rin ako sa sarili habang hawak-hawak siya. My heart pounded too much nervous. Seeing her being mesirable and sick destroy my heart. Nasasaktan akong nakikita siyang ganito.

"Grae!"

Napaangat ako ng tingin nang dumating si tito Cullen at nasa likuran nito ang Doctor ni Yashie.


Nahagip ng mga mata ko ang paparating na ambulansya. Agad kong binuhat si Yashie at sinalubong ang ambulansya. Lumabas ang dalawang sakay no'n at tinulungan akong ipasok siya sa loob.


Dahil sa labis na pagmamadali ay hindi na ako nakalabas ng ambulansya. Kasama ko ngayon ang doctor sa loob habang abala ito sa paggamot kay Yashie. The ambulance is running so fast. My fist tightened while looking at her, unconscious. Napayuko ako. Sumisikip ang dibdib ko habang nakikita siyang naghihirap ng ganito.


Hindi lingid sa kaalaman ko na may sakit siya sa puso pero ito pa lamang ang unang beses na nasaksihan ko ang bawat detalye ng paghihirap niya tuwing inaatake siya ng kanyang sakit. Damn it! Naaawa ako sa kanya.



Hindi ako humiwalay sa tabi niya. Tumulong ako sa mga nurses para ipasok siya sa Emergency Room. Hinarang nila ako pagkarating sa pinto ng ER. Napahinga ako at ramdam pa rin ang pagkabog ng puso ko.



Sumandal ako sa pader dahil sa panghihina. Man, I can't understand why I feel this way.



"Salamat Grae..." Ani tito Cullen at tinapik ako sa balikat. Bakas rin ang takot at pag-aalala sa kanyang mukha.



I just nodded because I can't utter a words. Halos na-drained lahat ng lakas ko dahil sa nasaksihan ko kanina. Dammit! Naalala ko lahat kung paano ko siya tratuhin simula pagkabata.



I'm tired of pretending like I don't fucking care. Hindi ko na kaya. Ayoko nang magkunwari. Simula pa man noon pinaniwala ko na ang sarili ko na hindi ko siya gusto kahit hindi iyon ang totoong nararamdaman ko. She's my cousin. Walang puwang ang bagay na hindi ko maamin sa aking puso.


I promised myself that I'll be good to her. I tried and everything's worked. Hindi siya naging mailag sa akin. And I swear, I was too happy.
Para akong isang manliligaw na sinagot ng babaeng nililigawan ko.


Mabilis kong pinarada ang sasakyan sa bakuran ng mansyon. Ginabi nanaman ako sa pag-uwi matapos kong puntahan si Kate. She's sick and begged me to visit her. She apologized and I gave her last chance. Galit ako sa kanya dahil sa nangyari kay Yashie. Nag-away silang dalawa ni Darcy dahil sa mga maling pambebentang niya at dinamay niya si Yashie kaya muli nanaman itong inatake sa puso.



Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon