Chapter 16

598 21 32
                                    

Her Battle

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang mga pinsan kong nag-uusap usap sa loob ng kwarto ko sa hospital. Buong magdamag din silang nanatili rito para samahan ako dahil bukas na ng umaga ang Operasyon ko.

May ginawa pang iilang test at check ups ang doctor sa akin kagabi. I'm doing better at hindi ko nalang masyadong iniisip ang operasyon ko dahil hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.

"Tita, uuwi po muna kami. Babalik nalang po kami mamayang gabi." Napatingin ako kay Kuya Danrixx nang nag-paalam ito kay Mommy.

"Sure Drix. Magpahinga na muna kayong lahat. Alam kong pagod na kayo." Sagot naman ni Mommy na naka-upo sa mahabang couch na nasa tabi ng kama ko.

"Yash! Uuwi muna kami, mag-pahinga ka rin." Ani kuya Jarred at tumayo na rin.

"Mag-ingat kayo. Thank you sa pag-sama sa'kin dito." Ngiting sabi ko.

Nag-paalam na rin sina Darcy, Israel, ate Nics at kuya Vince at sabay-sabay na silang lumabas ng kwarto.

"Grae Hijo, Hindi ka ba sasama sa kanila?" Nagtatakang tanong  ni Mommy kay Grae nang mapansin niya itong nanatili lang na naka-upo sa isang stoll na nasa gilid ko.

"Hindi po tita, may pupuntahan kasi ako mamayang tanghali kaya dito nalang ako magpapalipas ng oras." Sagot nito kaya napatingin ako sa kanya.

Saan naman kaya siya pupunta?

"Hindi ka ba napapagod? May gagawin kang school project?  or Game Rehearsal?" Muling tanong ni Mommy.

"Hindi naman. May importanteng bagay lang akong aayusin, tita. May kikitain kasi ako mamaya."

Nanatili lamang akong tahimik habang nakikinig sa kanila.

Sino naman kaya ang kikitain niya?

"I guess, You have a date?" Nanunuksong sabi ni Mommy kaya kumunot ang noo ko. Marahas kong binalingan ng tingin si Grae. Nagtataka siyang sumulyap sa akin bago sumagot.

"No. Kaibigan ko lang ang kikitain ko. Lalaki 'yon." Sagot naman nito kaya hindi na nag-tanong pang muli si Mommy.

"Yashie princess.. kung may kailangan ka tawagin mo lang ang Mommy ha." Tawag naman ni Mommy sa'kin at humiga na ito sa mahabang sofa.

"Yes my. Matutulog din po ako." Sagot ko.

Biglang tumahimik ang buong paligid. Alam kong matutulog na rin si Mommy. Napatingin ako kay Grae at nahuli ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin habang nakangiti.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya.

Mas lalo siyang ngumiti sa tanong ko. Mabilis kong tinago ang mukha ko sa kanya. May dumi nga talaga siguro ako sa mukha.

"Walang dumi. Stop over reacting. Mas lalo kang nagiging cute tingnan." Natatawang sabi niya.

Inirapan ko lang siya dahil pakiramdam ko namumula nanaman ang mukha ko. Pinanood ko siya sa gilid ng mata kong mas lalong inilapit ang upuan at idinikit na nito sa kama ko dahilan sa mas lalo kaming nagkalapit na dalawa.

Kumakabog nanaman ang dibdib ko dahil sa ginagawa niya. Kahit hindi kami nagkakadikit, pakiramdam ko nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan.

Kinuha ko nalang ang librong binili ko pa noong nakaraang linggo at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa.

"Call me if you need something..." Aniya habang nakatutok na sa nilalarong Video game sa kanyang cellphone. Nakahilig ito sa gilid ng kama ko.

Ibinalik ko na rin ang mga mata ko sa hawak na libro.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon