Push
"Where are we going ate? Baka pagagalitan tayo ng elders kapag lumabas tayo ng bakuran." Tanong ni Darcy sa ate Daniela niya.
"They won't know about it darc unless hindi tayo magpapa-huli. Sawa na akong maglaro lang dito sa loob. Mas magandang mag-laro ng tagu-taguan sa labas." Excited na sabi ni Daniela.
"Sa likod na kaya tayo dumaan?" Suhestiyon ni Israel na sinang-ayonan naman nila lahat.
Kaming lima lamang ang naiwan ngayon sa Mansiyon. Umalis ang mga parents namin kasama sina ate Nics, Kuya Jarred, kuya Danrixx at kuya Vince.
Napag-usapan ng mga pinsan ko na lumabas ng bakuran upang doon maglaro. We were both kids at halos laro lang ang laman ng utak namin.
I was just 9 years old same age with Darcy and Israel that time while Daniela and Grae was 12 years old.
"Tara na. Ang mahuhuli siya 'yong taya." Patakbong nagsalita si Israel.
"Pwede ba akong sumama?" Tumigil silang lahat at nilingon ako.
Inilahad ni Daniela ang kanyang kamay sa akin at ngumiti.
"Let's go Yash." Yaya niya sa akin kaya lumapad ang ngiti ko.
"No. She won't go with us. You stay here." May finality na sabi ni Grae kaya agad na nabura sa mga labi ko ang ngiti.
"Isama na natin siya Grae. Maiiwan siya ritong mag-isa kung hindi natin siya isasama." Pangungumbinsi ni Daniela.
"Paano kapag hindi nanaman 'yan makakahinga bigla? Walang elders dito na tutulong sa kanya." Nakasmirk na sabi nito.
"Hindi naman ako sasali sa laro niyo. Manonood lang ako sa inyo." Nakasimangot na sabi ko. Hindi ko alam pero tuwing nagkakasama kami ni Grae parang ayaw niya akong makita. Palagi niyang sinasabi na hindi ako sasama at sasali sa kanila at madalas hindi niya ako pinapansin.
"Kuya, let her be. Hindi mo naman siya buhat-buhat." Naiinip na sabi ni Israel.
"Bahala kayo!" Tanging sagot niya at naunang naglakad.
Bumalik ang ngiti ko sa labi dahil makakasama na ako sa kanila. Magkahawak kamay kami ni Daniela habang naglalakad.
Pagkalabas namin ng bakuran ng mansyon ay bumungad sa amin ang malawak at malalaking puno. Walang naka-silip na sikat ng araw dahil sa mga mayayabong na puno.
Umupo ako sa malaking ugat ng puno at pinanood silang naglalaro ng tagu-taguan. Gusto kong sumali pero ayaw ni Grae. Alam ko naman na bawal sa akin ang tumakbo dahil sumisikip ang dibdib ko pero naiinggit ako sa kanila. Ang sarap panoorin ng mga tawa nila habang nag-hahabulan.
Tumayo ako at naglakad-lakad sa buong paligid. Kasulukuyang si Darcy ang taya at si Daniela pa lamang ang nahanap niya. Abala siya sa kakahanap sa dalawa pa naming pinsan.
Natigilan ako nang makarating ako sa isang malaking puno na napapalibutan ng mga berdeng halaman. Nahagip ng mga mata ko si Grae na nakatago doon. Nakita niya rin ako kaya biglang kumunot ang noo niya.
"Can you go back there and just sit?" Supladong sabi niya. "'Wag ka rito. Mahahanap ako ni Darcy." Dagdag niya.
Tinalikuran ko nalang siya at babalik nalang sana kung saan ako naka-upo kanina pero bigla akong napa-tili nang may maramdaman akong matulis na bagay na tumusok sa paa ko.
Napa-upo ako sa lupa dahil sa hapdi na nararamdaman.
"Yash, what happened?" Mabilis na dumalo si Daniela sa akin na galing pa sa malayo.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
Storie d'amoreHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...