Chapter 17

578 21 19
                                    

Secretly

Habang dahan-dahan kong minumulat ang aking mga mata ay unti-unti ring nilalamon ng nakakasilaw na liwanag ang napaka-dilim kong paligid. Pakiramdam ko ay kagagaling ko lang sa isang mahabang pag-lalakbay. Wala akong maramdamang lakas sa aking katawan. Namamanhid ang lahat ng parte nito at hindi ko maigalaw. Ramdam ko rin ang panunuyo ng aking lalamunan.

Ilang beses akong napakurap bago ko naigalaw ang kaliwa kong kamay.

"Princess, Gising ka na? My daughter! Gising ka na! Jarred, Call the doctor!" Halos pasigaw na sabi ni mommy ang agad na bumungad sa pandinig ko. Bakas ang tuwa sa kanyang boses at mga mata.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. Hindi ko magawang magsalita.

"Thank you God!" Ani naman ni Kuya Vince habang nasa tabi rin ni Mommy. Masayang masaya sila.

Ilang minuto pa ay dumating na si Kuya Jarred kasama ang Doctor at si Daddy. Ipinikit kong muli ang aking mga mata. Kailangan kong hanapin ang lakas ko. Ngayong nakita ko na sila, sa muling pagmulat ko ng aking mga mata ay mayroon na akong lakas tulad ng dati.

Isang tao pa sana ang inaasahan kong makikita ngayon. Where is him? Nangako siya sa 'kin bago ang operasyon ko.

"Yash! Sobrang saya ko para sa 'yo alam mo 'yon? You finally woke up!" Patakbong lumapit si Darcy sa akin.

Kakaalis lang nina Mommy at Daddy. Ilang oras na ang nakalipas nang muli akong gumising naiwan lang sina kuya at ilang mga pinsan ko na kakarating lang din.

"Oo nga. Thanks God." Matamis ang ngiti na sagot ko.

"How are you Yash?" Tanong naman ni Ate Nics.

"I'm happy ate. Akala ko hindi ko na ulit kayo makikita." Nakangiting sagot ko.

"We knew, You're strong Yash. Nagawa mo na ngayon." Dagdag ni ate Nics.

Ang sabi ng Doctor, successful naman ang Operasyon ko. But this is not the end. Meron pa akong second Operation after 8 months from now. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi ng doctor kina Mommy at daddy pero alam ko na hindi pa ako tuluyang gumagaling.

I'm doing better but the doctor said that I'm not totally safe. May posibleng Complications na mangyayari. Kailangan ko rin ng dobleng ingat. I'll keep my self stress free at maraming bawal na pagkain.

"Two days ka naming hindi nakausap dahil ang tagal mong gumising. We missed you so much Yash." Muli nanamang sabi ni Darcy sa tabi ko.

"Ako rin. Gusto ko ng mabawi ang lakas ko para makasabay na ako palagi sa inyo." Ani ko.

Sabay kaming napatingin sa pinto dahil bigla itong bumukas. Natigilan ako nang pumasok si Grae. Halatang hinihingal pa ito. Bakit ngayon lang siya dumating?

"Grae! Why are you here? Di 'ba may date kayo ng anak ng kaibigan ni Daddy? Tapos na ba?" Gulat na tanong ni ate Nics sa kapatid.

Nalaglag ang panga nito sa tanong ni Ate Nics. Tumingin siya sa akin at hindi ko maipaliwanag ang klase ng emosyon sa kanyang mga mata.

"Okay! Nice talking to the air!" Reklamo ni ate Nics dahil hindi siya pinansin ni Grae. Umalis ito sa tabi ko at lumapit sa couch kung saan natutulog si Kuya Jarred.

Lumapit naman si Grae sa akin at umupo sa inuupuan ni ate Nics kanina.

"I-I'm sorry.. I was not here nang magising ka kanina.." nabubulol na sabi niya at hirap na bigkasin ang bawat salita na lumalabas mula sa kanya.

"Kailangan ba talaga magsorry, Grae?" Nakataas ang kilay na singit ni Darcy.

Matalim na tiningnan siya ni Grae.
"Doon ka nga, gusto kong makausap si Yashie." Masungit na sabi nito.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon