Caught
Napahikab ako nang mapansin ang landmark na papasok na kami ng Iloilo City. We are going back home after of two days and two nights vacation.
Lahat kami ay halatang pagod na. Alam kong lahat kami ay nag-enjoy at naging masaya. Walang nangyaring hindi maganda at nakapag-bonding kami ng maayos.
"Ate bakit palagi kang may suot na wig? Namiss mo na ba ang long hair mo?" Tanong ni Darcy kay Daniela.
"Yup. Namiss ko na ang mahaba kong buhok. Papahabain ko na nga 'to ulit." Sagot ni Daniela at hinawakan ang suot na wig.
Para naman sa akin mas maganda siyang tingnan kung mahaba ang buhok nito. Noong unang beses ko siyang nakitang nagpagupit ng buhok, nakakapanibago para sa akin. Nagmukha nga siyang tomboy pero hindi naman bagay sa kanya dahil ang totoo, babae naman talaga si Daniela. Pero nakakabilib pa rin dahil kaya niyang mag-panggap na ibang tao para lang mapursue ang pangarap niya. Daniela is such strong girl.
"Diba bawal ang long hair do'n?" Tanong ko.
"At ang pagkakaalam nila tomboy ka?" Dagdag ni Darcy.
"The days of pretention is over guys. Babalik na ako sa totoong ako. 'Yong walang hinahabol na pangarap at ibang tao-- I mean, I want to spend my whole time with my family. Ayoko na ulit lumayo pa sa inyo. No'ng nawala si Vince naisip ko na babalik nalang ulit ako sa dati, nakakapagod kasi habulin ang mga gusto ko gayong magiging masaya naman ako kahit hindi ko sila makakamtan." Aniya at nababakas ko ang lungkot sa mga mata at boses nito.
"Hindi ka na ulit mag-eenrol sa MSU?" Tanong ni Israel.
"Yes. Tatapusin ko nalang ang isang buwan kong training doon at magkakasama na ulit tayo." Aniya at pilit na tumawa.
"Awwe. Mabuti naman ate. Support kita." Masiglang sabi ni Darcy.
"Ang sabihin mo broken hearted ka!" Singit ni Grae sa usapan namin.
"Shut up Grae! Daig mo pa ang babae sa galing gumawa ng kwento." Inis na sagot ni Daniela.
Tumawa naman si Grae habang nakatuon ang atensyon sa minamanehong sasakyan.
"Maniwala kayo diyan? May bisita 'yan ngayon sa bahay nila." Muling utas ni Grae kaya napakunot ang noo ko.
"Who?" Tanong nito.
"Malapit na tayo sa bahay niyo, malalaman mo rin." Sagot ni Grae.
Tumahimik nalang si Daniela at hindi na sumagot. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay ni tito Lessur.
"What the heck is he doing here?" Gulat na sabi ni Daniela nang makalabas ito ng sasakyan.
Tiningnan ko naman kung sino ang tinutukoy nito at nakita ko ang taong nakatayo sa harap ng gate nila. As far as I remember, Hiro Montessor ang pangalan niya. Minsan ko na siyang nakilala dahil kaibigan ito ni Grae.
"Kahapon pa 'yan text ng text sa 'kin kung kailan tayo uuwi." Ani Grae nang makalabas ito ng sasakyan.
"OMG. Boyfriend mo ba 'yan ate? Ang gwapo naman." Kinikilig na wika ni Darcy sa gilid ko.
"Dude, nandito na 'yong hinahanap mo." Ani Grae.
Ngumiti naman ng konti si Hiro at tumingin kay Daniela.
"Whatever! I have no time to entertain people who don't deserve my precious time." Mataray na wika ni Daniela at nagmartsa papasok ng Gate nila.
Sumunod naman kami at ganoon din si Hiro.
"Danny! Let's talk please. Kahit sandali lang." Habol sa kanya ni Hiro pero hindi ito pinansin ni Daniela.
Nang makapasok ito sa loob ng bahay nila agad nitong binagsak ang pintuan at muntik na sanang matamaan si Hiro pero napaatras naman ito at napakamot nalang sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...