Chapter 14

593 21 33
                                    

Nice Day

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako kinaumagahan. Agad na nagflashback sa utak ko ang ilang bahagi ng mga pangyayaring naganap kagabi. Bigla akong nakaramdam ng hiya kay Grae. I remember he was there and he comforted me. Hindi ko naalala ang lahat ng mga sinabi niya dahil na rin sa emosyong nararamdaman ko kagabi pero naaalala ko na niyakap ko siya ng mahigpit at hindi pinakawalan.

Nahampas ko ang unan na nasa kandungan ko sa labis na kahihiyan. Next time I should learn how to compose my feelings. Wala akong sinabi tungkol sa nararamdaman ko pero ang ginawa ko ay hindi tama. Alam kong magtataka siya.

Inayos ko muna ang sarili bago bumaba. Ang aga ko pala nagising. It's 6:25 in the morning. Saturday ngayon at nagkataon din na holiday kaya walang pasok. Natigilan ako nang marinig ang tawanan ng mga pinsan ko sa sala. Ang aga rin nila nagising?

"Shut up Grae. Kung anu-anong kabulastugan ang kinukwento mo sa kanila!" Dinig kong inis na sabi ni-- wait? is Daniela here? Bigla akong naexcite nang marinig ang boses niya. I missed her so much.

"Stop protecting him Dan! Ang yabang ng lalaking 'yon kahapon. Kung makahila sa'yo grabe! I really want to punch his face." Dinig kong sagot ni Grae. Bigla akong naguluhan. Tuloy-tuloy akong bumaba hanggang sa makita ko silang nagtitipon-tipon sa sala.

Napangiwi ako nang makitang binatukan ni Daniela si Grae pero humagalpak lang ito ng tawa.

"Kuya wag kayong makinig sa unggoy na 'yan. Schoolmate ko lang 'yon." Iritadong paliwanag ni Daniela.

"I'm warning you Daniela!" Ani kuya Danrixx habang tinuturo ang kapatid.

"What the heck Drix. Schoolmate lang daw?" Dagdag pa ni Grae habang natatawa.

Hindi nakasagot si Daniela dahil napansin niya ang pagdating ko. Tumakbo ito papunta sa'kin at nagyakapan kami.

"I missed you Yash." Tili niya.

"Missed you too Dan. Mabuti naman at nakauwi ka ngayon." Ani ko.

"Yup monday morning pa ako babalik. How about you? Okay ka lang ba?" Aniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"I'm doing okay. Next week pa ang operation ko  at baka two days before operation pa kami babalik ng hospital." Paliwanag ko.

"Wala naman tayong pasok baka gusto n'yong mag outing? Somewhere near in the city para less hassle sa byahe." Excited na sabi ni ate Nics.

"Ayaw ko ng inland resort." Mabilis na komento ni Kuya Vince.

"Woah same here! I don't like the beach here ate. I want the white sand beaches, where we can island hopping and such.." maarteng sabi ni Darcy.

"Why don't we go to Isla Gigantes or Sicogon Island?" Suhestiyon ni Israel.

Natigilan kaming lahat nang bigla itong napadaing dahil sa kurot ni Darcy.

"What the fvcking fvck darc? Ang sakit no'n ah!" Reklamo niya at hinihimas ang braso.

"'Yong  malapit nga lang diba? Ang layo ng isla Gigantes dito Israel. Ghad! It's in Northern part of Iloilo and it took up more than 5-6 hours ang byahe." Sermon sa kanya ni Darcy. Natawa nalang kami dahil sa sagutan nila.

"Why don't we go to Boracay?"nakangising suhestiyon ni kuya Jarred. Siya naman ang hinampas ni ate Nics.

"Isa ka pang hindi nag-iisip. Mas malayo pa ang Boracay!" Frustrated na sabi niya.

"Nagkaroon yata ako ng injuries sa hampas mo Nicolette! You're too Harsh on me.." Nakangising sabi ni kuya Jarred.

"Parang kinagat nga rin ako ng alimango sa kurot ni Darcy!" Dagdag pa ni Israel.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon