Chapter 36

483 16 44
                                    

Us against them all

"Wag mo kaming pangunahan sa desisyon namin Evanny!" Galit na sabi ni ate Nics kay Evanny habang inaawat siya ni Israel. Alam kong punong puno na siya ng galit dahil na rin sa amin.

Naabutan namin sila sa labas na nag-kakagulo. I don't know the reason why they are fighting pero alam kong konektado pa rin kami rito.

"My Gosh. Why are you mad at me? Magkakampi tayo rito Nics. Hindi niyo sila mapipipigil na kayo lang. Might as well na sabihin natin 'to sa mga parents niyo. Sila lang ang may kakayahan na pumigil sa kahibangan ng kapatid mo at ng malandi mong pinsan." Napamaang na sagot ni Evanny.

"Excuse me! Are you refering to yourself? Diba ikaw dapat ang malandi? Kahit kailan hindi naging malandi si Yashie." Pagtatanggol sa akin ni Darcy.

"Pwede ba Evanny tumigil ka sa panghuhusga mo sa kapatid ko. Bakit ka ba nakikialam? Hindi ka naman namin pamilya." Galit na sabi ni Kuya Jared.

"Point taken Jared. Hindi niyo nga ako pamilya pero concern pa rin ako sa inyo. Why can't you just appreciate me and thank me later?" Muli niyang sabi.

"No. We will not tell this to our parents. Kailangan lang magdesisyon ni Grae at Yashie na titigilan na nila ang namamagitan sa kanila. Pwede pa namang maayos lahat ng 'to na hindi nakikialam ang mga magulang natin." Aniya at humarap sa amin ni Grae. "Now, Grae, Yashie. Tell us. Sabihin niyo sa amin na titigil na kayo. Na tatapusin niyo na at lalayuan ang isa't isa. Tutulungan namin kayo para makalimutan ang isa't isa." Dagdag ni ate Nics.

"My answer is NO. If you're going to tell our parents, then go. Hindi ko naman kayo pinipigilan." Sagot ni Grae.

Halos mapa-padyak si ate Nics dahil sa labis na frustration.

"Ikaw Yash. Give him up please, I'm begging you." Ako naman ang kinausap ni ate Nics.

Napalunok ako ng laway nang makita ko siyang umiyak at halos magmakaawa sa akin. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Grae bago tumingin muli sa kanya. Napaluha ako bago umiling.

"I'm sorry ate. Hindi ko kaya." Umiiyak na sagot ko.

"OMG. Nakakadiri talaga pakinggan!" Komento ni Evanny.

Wala akong pakialam kung nandidiri man siya o hindi. Her opinion doesn't matter to me.

"Bakit Yash? Why are you being desparate? Kaya ba hindi mo kayang pakawalan ang pinsan mo kasi alam mong wala ng ibang lalaki na magmamahal sa 'yo? Natatakot ka ba na wala ng lalaking manliligaw sa 'yo kasi alam mong hindi ka nila kayang panindigan dahil magiging impyerno lang ng buhay nila sa tabi mo dahil sa sakit mo? Desperada ka na ba na hindi makakatagpo ng lalaking mamahalin kaya kahit alam mong pinsan mo pinatulan mo pa rin?"

Napahagulhol ako sa sinabi ni ate Nics. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Grae.

Her words is too much and sharp. Kahit kailan hindi ko inisip ang mga bagay na 'yon. Inaamin kong may mga insecurities ako sa sarili ko pero malayong malayo iyon sa iniisip nila. Kusang minahal ng puso ko si Grae dahil iyon ang nararamdaman ko.

"What the Fvck are you saying Nicolette? Wala kang karapatan na pagsalitaan ng gano'n si Yashie." Halos sugurin na ni kuya Jared si ate Nics pero pinipigilan lang nito ang sarili.

"Isang husga pa sa kanya mawawala ang respeto ko sa 'yo bilang ate." Banta sa kanya ni Grae.

Naninikip na ang dibdib ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to. Hindi ko na kaya pang panoorin sila ng ganito.

"Ate tigilan mo na nga 'yan. Sobra-sobra naman ang panghuhusga mo kay Yashie. We all knew her. She's not desparate as like what you said. Pamilya tayo rito at alam nating hindi siya ganyang tao." Singit ni Israel.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon