Heartless
Buong mag-hapon akong naging apektado sa hindi pag-pansin ni Grae sa akin kaninang umaga. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako. Pinipilit kong huwag na munang isipin pa ang nangyari pero kahit anong gawin ko ay hindi mawala sa isip ko.
Ghad! This is making me pathetic. Nasanay na akong simula pagkabata ay hindi na kami masyadong malapit sa isa't isa ng lalaking 'yon. Then, hindi niya lang ako pinansin kanina ganito na agad ako maka-react? Kung bakit kasi agad akong naniwala na nagbago na siya!
Napag-desisyonan kong lumabas muna sa kwarto ko at magpapahangin sa labas.
Dinala naman ako ng mga paa ko sa Pool area.Nadatnan ko doon si Israel na nagsuswimming mag-isa. Dahan-dahan akong lumapit doon at umupo sa isa sa mga upuan sa gilid ng pool.
"Yash, swimming tayo.." Aya niya sa'kin nang mapansin ang presensya ko.
"I already took a bath." Sagot ko.
"You looked exhausted. Para kang namatayan ng alagang kuto!" Aniya at humalakhak saka muling lumangoy.
"Kung lunurin kaya kita diyan?" Inis na sabi ko at inirapan siya. Mas lalo siyang tumawa.
"Sungit!" Pahabol pa nito saka lumangoy papunta sa dulo na bahagi ng pool.
Pinag-mamasdan ko lang ang pinsan kong paulit-ulit na lumalangoy. Hindi ba nahihilo ang isang 'to?
Napalingon ako sa gilid ko nang may biglang umupo sa tabi ko.
Gulong-gulo pa rin ang buhok nito at halatang bagong gising ito. Wala itong suot na pang-itaas pero may tuwalya na nakasampay sa kanyang balikat. Maliligo rin yata siya.
Napa-iwas ako ng tingin nang dumapo ang mga mata ko sa tiyan niya. Well, He has a well built body dahil siguro sa paggi-gym. So? Why would I care anyway. Wala nga siyang pakialam sa 'kin kung nasasaktan ako o hindi sa trato niya. Wala akong balak na kausapin siya. Mas mabuti ng bumalik kami sa dati para mawala na rin 'tong nararamdaman at gumugulo sa isip ko.
Tumayo ako at papasok na sana sa bahay pero natigilan ako nang hinawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya at tiningnan ng walang emosyon. Naka-kunot lang ang noo niya at halatang inaantok pa.
"Hindi ka ba maliligo?" Tanong niya. Hinila ko ang kamay ko kaya nabitawan niya iyon.
"Hindi!" Hindi ko alam kung bakit parang pumiyok ang boses ko gayong naiinis ako kanina lang.
"Wag 'yan kuya.. ma-attitude 'yan ngayon." Ani Israel saka tumawa.
Mas lalo akong nainis. Hindi ko sila nilingon at mabilis na nag martsa papasok sa loob ng mansyon.
Bahala sila sa buhay nila. Sarap pag-untugin ng magkapatid na 'yon!
Minsan mas pipiliin ko nalang na may pasok araw-araw kesa buong araw na magkulong dito sa loob ng bahay. Hindi tulad ng mga pinsan ko na kahit anumang oras nila gustuhing lumabas ay magagawa nila.
Halos isang oras akong nanatili sa loob ng kwarto habang nakahiga at nakatitig lang sa kisame.
Umalis na kaya ng bahay si Grae?
Tumayo ako at bumaba sa kama ko. Alam kong tuwing weekend ay umaalis ito at madalang ko lang makikita dito sa mansyon.
Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan na sumilip sa labas. I'm craving for sweet foods. Kahit pinagbabawalan na ako sa mga matatamis at mamantikang pagkain hindi ko pa rin maiwasang tumikim. Konti lang naman.
Dahan-dahan akong bumaba mula sa itaas at dumaan sa pintuan ng kwarto ng mga Kuya at pinsan kong lalaki. Nasa pinaka-dulong bahagi pa ang kwarto ni Grae. Nakasarado ito. Nasa loob kaya 'yon?
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...