Chapter 28

526 15 31
                                    

This is a pahabol update. Haha. Unedited kasi nagmamadali.



Vince

Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng mabigyan namin ni Grae ng closure ang nararamdaman namin sa isa't isa. Kahit mahirap nagagawa pa rin namin itong itago hanggang ngayon. We both knew our limits at hindi rin naman kami nag-aaway.

Inaamin kong may mga pangyayaring hindi ko maiwasan ang mag-selos lalong lalo na at hanggang ngayon ay may ugnayan pa rin si Kate at Grae. I know that they're just friend at nararamdaman ko namang walang ibang intensyon si Grae. I don't want to be selfish when it comes to him.

Alam kong may ibang nararamdaman si Kate para kay Grae. She's still sick at patuloy pa ring nag-papagamot. Kahit kailan hindi ko pinagbawalan si Grae sa pagbisita sa kanya paminsan-minsan sa hospital dahil ayokong maramdaman niya na sinasakal ko siya. Hindi lang ako ang taong umiikot sa mundo niya at alam ko kung saan dapat lumugar lalo pa't sa sitwasyon namin. As long as I can manage to handle everything to avoid conflict, gagawin ko.

"Wala pa ba ang kuya mo?"

Natigil ako sa pag-iisip nang lumapit si ate Nics sa akin. We are now attending the Grand opening of our parents another branch of business. May mga iilan na mga media personels to cover the grand opening. Maraming bisita na kaalyado nila sa business and most of them are politicians.

"Sinong kuya?" Tanong ko.

"May ibang kuya ka pa ba? Si Jarred." Aniya.

"Hindi ko pa siya nakikita simula ng makapasok ako dito sa hotel." Tugon ko.

"Well, nevermind nalang Yash.. papunta na sila dito." Aniya at lumingon sa kanyang likuran. Nakita kong papalapit na nga sila papunta sa direksyon namin.

Napansin kong nataranta si ate Nics na umupo sa isang upuan sa table namin.

"Tapos na ang ribbon cutting. Nakikipag-usap na sila sa mga bisita ngayon." Ani Kuya Danrixx at sumalampak sa upuan.

"We need to prepare. Baka ipapakilala nanaman nila tayo sa anak ng mga investors nila at ipagkakasundo." Ani Darcy at pairap na umupo sa tabi ko.

"Nics, I thought he will come tonight? Wala pa ba?" Napatingin ako kay Evanny nang lumapit ito kay ate Nics.

"Hindi na 'yon darating." Ani ate Nics at pumait ang ekspresyon ng mukha.

"What? I thought, there were something between you two?" Muling utas nito.

"Parang ganoon nga rin 'yong akala ko. Hindi ko alam parang noong isang araw lang okey naman kami pagkatapos biglang lumabo." Malungkot na sabi nito.

"Siya ba 'yong Hiro na bukambibig mo kagabi?" Biglang singit ni Kuya Jarred.

"Nabanggit ni Grae minsan na kakilala rin 'yon ni Daniela." Dagdag pa ni Kuya Danrixx.

"Mga tsismoso kayo. This is Girls talk, don't brag. Okay?" Nakasmirk na sabi nito.

"Nagtatanong lang naman. Ang gulo mo kayang kausap kagabi. Sakit ka rin sa ulo minsan." Ani Kuya Jarred.

Napansin ko naman na biglang namutla ang mukha ni ate Nics na parang may nagawa itong malaking kasalanan.

"Shut up. Lasing lang ako kagabi. By the way, where's Vince and Grae?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Naiwan sila do'n sa mga bisita, tinawag sila ni tito Cullen." Si Israel ang sumagot.

"We have the same instinct in our minds here." Ani Darcy.

Naikuyom ko ang aking kamao. Kahit kailan talaga hindi ko nagugustuhan ang ugali ni Daddy na palagi kaming ipinagkakanulo sa hindi namin kakilala. Lalong lalo na kay Kuya Vince. Bakit hindi nalang si Kuya Jarred ang ipagkasundo niya dahil game na game naman ito. Well, I think Dad already knew that kuya Jarred is really an asshole at wala siyang mapapalang maganda.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon