Epilogue

1.1K 21 53
                                    

Warning: Rated 16. Read at you own risk.

Yashie's POV

4 years later...

"Congratulations Princess. Nawa'y sasamahan kayo ng diyos sa buhay mag-asawa na papasukin niyo ni Grae. Hindi pa ako handang bitawan ka at umalis sa tabi namin ng Daddy mo pero alam kong magiging masaya  ka sa magiging buhay mo kasama si Grae. Kung meron mang taong labis na nakakaramdam ng saya para sa 'yo, kami 'yon ng Daddy mo. Ikaw pa rin ang prinsesa namin ng Daddy mo. I love you, Princess." Naluluhang sabi ni Mommy.

I smiled sweetly while the tears are continously rushing in my face. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang sayang nararamdaman. I'm crying because of too much happiness. No more pain. No more sadness, just pure happiness.

"My, I love you too. Mahal na mahal ko kayo ni Daddy. Thank you for everything. Kung wala kayong dalawa sana hindi ko na mararanasan ang buhay na 'to." Sagot ko at niyakap silang dalawa ni Daddy.

"Palagi mong ingatan ang sarili mo anak. Don't forget to visit our house aleast once a week, 'wag mo kaming biglain ng Mommy mo. Paniguradong mamimiss ka namin." Bilin naman ni Daddy.

"Hinding-hindi ako makakalimot Dad. Mas mamimiss ko po kayo."

Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa noo. I will forever treasure my parents wherever I go, whatever happened. Sila ang nagbigay ng buhay sa akin. Hindi man ako naging perpektong anak at marami akong sinuway sa mga kagustuhan nila pero hindi nagbago ang pagmamahal nila sa akin.

"Your husband is waiting for you, Princess. Enjoy your Honeymoon." Ani Mommy.

Nilingon ko si Grae na abala rin sa pakikipag-usap sa mga bisita namin. It's already 8 in the evening. I feel nervous for no reason..

"I am expecting for a Grandson anak.." Ani Daddy kaya napangiwi ako.

"Daddy naman.." hinaing ko.

Tumawa lang sila ni Mommy.

"Puntahan mo na si Grae. Lumalalim na ang gabi, siguradong pagod na kayo." Utos ni mommy na mabilis kong sinunod.

Hindi maalis ang mga ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Grae na buhat-buhat si baby Nise. Mahimbing itong natutulog sa balikat niya sa kabila ng ingay ng mga pinsan at mga kaibigan namin.

"The beautiful bride is coming.." Ani Darcy kaya nalipat ang lahat ng atensyon nila sa akin.

Ngumiti ako ng matamis. Lumapit ako sa tabi ni Grae na ngayon ay nakatitig na rin sa akin.

"Akin na si Baby.." Ani Daniela at kinuha kay Grae ang bata. Mag-iisag taon na ito at halos siya ang nagpablik ng sigla at saya sa pamilya namin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kay Kuya Danrixx at ate Enis heto pa rin sila ngayon at masayang kasama ang anak nila.

Medyo nagising ito nang kuhanin ni Daniela kay Grae. Umiyak ito kaya pinapatulog ulit ni Daniela.

"Grae, alis na tayo?" Ani ko at tumingala sa kanya.

Yumapos ang isang kamay niya sa beywang ko at napansin ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi.

"Are you ready? Let's go then.." Malambing niyang sabi.

"Awwe.. Aalis na kayo? Ingat kayo sa biyahe bukas." Ani Darcy.

"Thank you Darc.." Ngiting sabi ko at niyakap siya.

"Kwento mo sa 'kin kung anong ginawa niyo ni Grae kapag nakabalik kayo ha." Natatawang sabi niya. Bigla akong namula at marahan siyang hinampas sa braso.

Sunod akong lumapit kay Daniela na abot tenga ang ngiti sa akin. Everyone looks happy for us..

Niyakap ko siya at hinalikan si Baby Nise na karga nito.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon