Chapter 29

500 14 29
                                    

Not the only one

"Hindi ka pa ba matutulog?" Kausap ni Grae sa akin mula sa screen ng cellphone ko. We're currently on a video call.

"Hindi pa ako inaantok. Nag-aalala pa rin ako kay Kuya." Sagot ko. Pagkatapos magkagulo kanina sa ginawang pag-amin ni Kuya Vince, pinauwi agad ako ni Daddy kaya hindi ko na muling nakausap si Kuya Vince.

Mas lalo akong nag-alala dahil ibinalik niya kay Daddy ang mga gadgets nito pati ang credit card niya kaya hindi ko siya matawagan.

"Kamusta na si Kuya? Gising pa ba siya?" Muli kong tanong.

"Don't know kung gising pa ba siya o natutulog na. He's on Israel's room, doon siya naki-share.. Ang sabi niya lang sa amin kanina, gumaan na raw ang pakiramdam niya dahil wala na siyang tinatago." Sagot ni Grae sa mga tanong ko.

"Kinuha ni Daddy ang Credit card niya pati ang cellphone niya.. baka wala na siyang pera, pwede mo ba siyang pahiramin? Babayaran nalang kita kapag nagkita na tayo." Muling pakiusap ko.

Natawa ito sa sinabi ko.

"You know? You're too sweet.. kaya nafafall pa ako lalo sa 'yo." Sagot niya at ngumisi.

"Grae, I'm not joking here." Ani ko.

"I'm not joking either. Wag ka na mag-alala ako na ang bahala bukas. Hindi naman papabayaan ni Jarred at tita Shan si Vince kaya bawasan mo na 'yang pag-aalala mo." Aniya na nagpahinga sa akin ngaluwag.

"You should sleep now Yash, ayokong nagpupuyat ka." Muling sabi niya kaya tumango ako.

"Okay. Thank you. Good night." Paalam ko sa kanya.

"I love you. Dream of me." Aniya at matamis na ngumiti.

Magsasalita pa sana ako pero naputol na ang video call namin kaya itinabi ko nalang ang cellphone ko sa bedside table at sinubukan kong matulog kahit ang gulo ng isipan ko.

ILANG araw na ang lumipas ay hindi pa rin nagiging maayos ang pamilya namin. Galit pa rin si Daddy kay Kuya Vince at pinanindigan naman ni Kuya ang totoong pagkatao nito.

Ilang beses kong nakita ang pag-aaway ni Mommy at Daddy at wala akong nagawa para pigilan sila. I tried to talk to dad but it was ended to nothing. Hindi magbabago ang desisyon niya na itakwil si Kuya Vince.

Ilang araw na ring hindi kami nagkikita ni Grae. Hindi ako pinapayagan ni Daddy na pumunta sa bahay nila tito Marco.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Nang-hinayang ako nang makitang may 5 missed calls ito mula kay Grae.

Napansin ko naman ang message ni Daniela sa akin kaya agad ko iyong tiningnan.

Yash hindi pa rin ba nakakabalik si Vince sa inyo?

Agad nawala sa isipan ko ang unang chat nito nang makita ang sumunod nitong message.

I saw our cousin a while ago. Papasok siya ng hospital kaya hindi niya ako nakita sa labas. Hindi pa rin ba gumagaling ang girlfriend ni Grae?

Hindi na ako nag-abala pang magreply kay Daniela. Naging okupado agad ang buong sistema ko sa nalaman.

He is visiting kate again. Ano bang meron sa kanila bakit binibisita niya iyon palagi? Should I tell him that I'm jealous? Na nasasaktan ako kapag may ibang babae siyang kasama?

Napahinga ako ng malalim para pigilan ang wag maluha. They're just friend at ako ang mahal ni Grae kaya wala akong dapat ikabahala.

Lumabas ako ng kwarto at bumungad agad sa akin ang nakakabinging katahimikan sa buong mansyon. Noong lumipat ng bago nilang bahay sina Tito Marco at tito Lessur hindi ko naramdaman ang pagbabago sa mansyon pero no'ng nawala dito si Kuya Vince at palaging nag-aaway si Mommy at Daddy doon ko lang naramdaman na ang laki na pala ng pinagbago ng buong mansyon kumpara noon.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon