Together
"Mamaya ka nalang kaya umuwi Yash? Sa akin ka nalang sumabay dahil pupunta naman ako sa mansiyon para daanan si Jarred at Danrixx." Ani Israel nang marinig na nagpaalam na ako kay tita na umuwi dahil medyo bumaba na raw ang tubig.
"Ako ang nagdala sa kanya rito kaya ako rin ang maghahatid." Si Grae ang sumagot sa kapatid. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
"Ihatid niyo na si Yashie. Baka may gagawin pa 'yan" muling paalala ni tita.
Muli akong nagpaalam kay tita bago sumunod kay Grae sa labas. Sumunod din si ate Nics at Israel sa amin sa labas.
"Be cautious Grae. Gabi na at madulas ang daan." Paalala ni ate Nics sa kapatid.
"Noted ate." Tugon ni Grae bago ako pinag-buksan ng pinto sa driver seat.
"Aalis na kami ate. Bye Israel." Paalam ko sa kanilang dalawa habang magkatabing nakatayo sa tapat ng gate ng bahay nila.
"Mag-ingat kayo." Sagot ni ate Nics.
"Mag-ingat ka rin kay Grae.." Naka-ngising dagdag ni Israel dahilan sa biglang namula ang pisngi ko.
"Well.." kibit-balikat ni Grae. Anong ibig sabihin no'n?
"Are you okay? Wag mo lang pansinin ang mga kalokohan ni Israel, ganyan talaga 'yon." Aniya nang makalayo na kami sa bahay nila.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
Huminga ako ng malalim dahil sa naamoy ko na pabango ni Grae galing sa jacket nito na pinasuot niya sa akin kanina. Hindi siya masakit sa ilong at nakakaadik ang amoy.
Natauhan naman ako sa iniisip kaya tumuwid ako ng upo.
"Bibili muna tayo sa Drive thru ng pagkain." Aniya at niliko sa Chowking Drive thru ang sasakyan.
"Bakit? Pauwi naman na ako. Doon nalang ako kakain sa bahay." Ani ko.
"May dadaanan lang tayo. I need to buy you foods para hindi ka magutom." Aniya at ibinaba ang bintana ng sasakyan saka umorder.
"Where are we going? Baka magtaka sila sa mansiyon na hindi pa ako umuuwi." Nababahalang sabi ko pagkatapos nitong mag-order.
"You should just calm yourself and relax, My Princess. Okay?" Aniya at hinaplos ang pisngi ko. Para akong nanigas sa ginawa niya. "Wala tayong gagawing masama." Dagdag niya at mas lalong lumapit sa 'kin para ayusin ang pagkakasuot ko ng jacket niya.
Tumango nalang ako at umiwas ng tingin. Parang pinag-papawisan na yata ako.
Habang nasa daan kami, naging pamilyar sa akin ang nadadaanan namin. May nabuo agad na destinasyon sa utak ko. Hindi kaya babalik kami do'n sa lugar kung saan matatanaw ang buong City ng Iloilo?
"Minsan ka nang nakapunta do'n. Remember?" Aniya.
"Natatandaan ko na." Sagot ko at ngumiti. Hindi ko aakalaing makakabalik muli ako do'n at kasama ulit si Grae. He was the first one who brought me there, and here we are again.. going back to that place together. Hindi ko maiwasang maexcite.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa lugar na 'yon. Mas lalong lumapad ang ngiti ko.
Excited akong lumabas at nauna sa kanya. Agad kong tinungo ang pinakamataas ma bahagi ng lugar na 'yon at tinitigan ang ganda ng paligid. Nawala na ang makakapal na ulap kanina lang. Lumitaw na ang napakaraming butuin na nagkikislapan sa kalangitan na mas lalong dumagdag sa liwanag ng mga ilaw ng buong siyudad. This place was really amazing.
Natigilan ako sa pag-hanga sa ganda ng tanawin nang maramdaman ko si Grae sa likuran ko. Bigla akong nanigas nang yakapin niya ako mula sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...