Chapter 9

657 22 23
                                    

Think

Halos dumidilim na ang paligid pero nasa loob pa rin kami ng tambayan naming magpipinsan. Hindi na natuloy ang plano kong bilhan ng gift si Mommy dahil nga sa gulong nangyari kanina. Dinala ako nila Kuya Jarred sa clinic habang pumunta naman sa CSDL Office si Darcy at Grae para ayusin ang nangyaring gulo na ginawa ni Kate. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakabalik at hindi ko maiwasang kabahan at mapa-isip kung anu na kaya ang nangyari.

"You okay?" Tanong ni kuya Jarred sa akin. "Tubig?" Inabotan niya ako ng isang basong tubig.

Tumango lang ako sa kanya dahil okupado ang aking isipan sa kung anu ang nangyayari ngayon sa mga pinsan ko.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan at biglang bumungad ang nag-aalalang mukha ng mga pinsan ko. Si ate Nicollette, Kuya Danrixx, kuya Vince at Israel lang ang dumating.

"How are you?" Mabilis na lumapit si kuya Vince sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.

"I'm okay. There's nothing to worry about kuya." Ani ko.

"Makikita ko lang talaga ang kate na 'yan, makakatikim 'yan sa'kin." Galit na sabi nito.

"Calm down Vince. Si Grae at Darcy na ang bahala sa kanya." Ani Kuya Jarred at inihilig ang ulo sa upuan.

Umigting ang panga ni kuya Vince at inirapan si kuya. Hindi ko alam kung saan siya nagalit, sa pagtawag sa kanya ni kuya ng Vince o kay Kate.

"Ang tagal nila. Gusto ko ng umuwi. I'm tired." Reklamo ni Kuya Jarred dahil hindi pa rin dumadating sina Darcy at Grae.

"Pagod ka na ba sa pambababae mo, dude?" Nakangising sabi ni Israel.

"Shut up asshole. Wag mo 'kong baliktarin. Kasama ko ang kapatid ko buong mag-hapon." Pangangatwiran ni Kuya.

"Wag ako. Palusot ka pa e." Natatawang sabi pa nito.

"Nakita rin kita kanina Israel. Sino 'yong babaeng kasama mo?" Seryosong tanong ni Ate Nics kaya napahalakhak si Kuya Jarred.

"Now. You're Caught.. dude."

"Nambababae ka nanaman? Idol mo talaga si Jarred kaya gumagaya ka na rin sa kanya?" Panenermon ni Ate Nics.

Humalakhak na rin si Kuya Danrixx.

"I'm not Idolizing him ate. It runs in our blood."

Napangiwi ako nang makitang binatukan ni ate Nics ang kapatid. Natigil lang sila sa pagtawa nang bumukas ang pintuan at pumasok ang nakasimangot na si Darcy. Sumunod si Grae at agad na dumapo ang kanyang mga mata sa akin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin.

Dumeretso si Darcy sa mahabang couch sa harap ko at umupo sa gitna ni Israel at Kuya Danrixx.

"How was it darc? Na-expel na ba ang kate na 'yon?" Si kuya Vince ang unang nagtanong.

"Nope. Just one week suspension." Dismayadong sagot ni Darcy. "If only one of my titos own this school.. talagang ngayon mismo mawawala siya rito."

"Nag-sorry ba siya sa ginawa niya?" Tanong ni kuya Danrixx.

"Yup. Sobrang plastic." Nanggigil na utas ni Darcy.

"Kumalma ka kasi darc.. One week Suspension is enough. 'Wag na natin palakihin ang konting gulo na 'yon." Sabat ni Grae na nakatayo lang sa likuran niya at nakasandal sa sandalan ng upuan habang sumusulyap sa akin.

Hindi ko maiwasang isipin na parang pinagtatanggol niya pa ang kate na iyon. Tama naman siya, sapat na ang suspension sa ginawa ni kate pero meron akong hinahanap na isang bagay na gusto kong gawin niya.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon