Note: Pls play the song.
Truth
1 week had passed after I gave up eveything. Lahat ng mga pangako ko sa kanya kahit isa wala akong tinupad at iyon ang pinakamahirap na naging desisyon ko. Ang piliin ang pamilya namin at para hindi na rin siya mahihirapan pa ng matagal sa akin. It'll be selfish if we chose our happiness over our family. Hindi ko kayang maging masaya na may nasasaktan na ibang tao.
Pero kahit kailan hindi ko ginusto ang ginawa kong desisyon. Bakit ko pa kasi naging pinsan si Grae? Bakit pa kasi ako naging Adisson?
Hanggang ngayon hindi pa rin ako lumalabas ng hospital. Ang sabi ng doctor mas lalo pa raw lumala ang kalagayan ko. E ano naman? Ano pa ba ang silbi ko sa mundong 'to? Bawal naman akong maging masaya sa piling ng taong mahal ko bakit hindi nalang ako mamatay?
Kung mawawala ako, makapag-pahinga na rin sina Daddy at Mommy. Puro problema lang naman ang dala-dala ko sa pamilya namin. Alteast kung mawawala na ako hindi na sila mabubuhay na may kasamang takot na baka kung anu ang mangyari sa akin. Hindi na rin aasa pa si Grae na magkabalikan kami at sana kung sakali mang mawala na ako.. makakahanap siya ng babaeng higit pa sa akin. Ang babaeng kaya siyang alagaan at ipaglaban.
Nangako ako sa kanya na lalabanan ko ang sakit ko at kapag gumaling na ako, babalikan ko siya. Sasama ako sa kanya kahit saan man kami mapunta. Pero hindi ko na siguro matupad pa ang mga 'yon. Gusto ko ng magpahinga. Pagod na akong lumaban pa.
"Bakit hindi mo nagalaw ang pagkain mo?" Bungad ni Kuya Jared sa akin nang pumasok ito sa loob ng kwarto ko sa hospital. Tanghali na at kakarating niya lang.
Kaninang umaga pa ako nagising pero wala ni isang taong nakabantay sa akin. Kahit si Mommy ay wala. Ilang beses na akong hinatiran ng mga nurse ng pagkain pero sinasabi ko lang sa kanila na ilagay nalang sa table dahil kakain nalang ako.
"Kumain na ako kanina kuya." Sagot ko habang nanatiling nakatitig sa kisame.
"I'm sorry. Hindi agad ako nakapunta rito dahil may gulo nanamang nangyari sa pamilya natin." Aniya.
Nanatili lang akong tahimik at hindi sumagot. Hindi na ako interesadong malaman pa 'yon. Ginawa ko na ang gusto nila. Kung tungkol man ito kay Grae, mas lalong ayoko ng marinig pa dahil madadagdagan lang ang guilt na nararamdaman ko sa ginawa ko sa kanya.
"Talaga bang iniwan mo si Grae dahil pinsan natin siya? Iyon lang ba ang dahilan mo?" Muli nitong tanong sa akin.
Tumagilid ako at tinalikuran siya. Muli nanamang kumirot ang puso ko dahil naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit hindi kami pwede ni Grae.
"Kuya matutulog na ako." Sagot ko.
"What? Kakagising mo lang kaya." Tumatawang sabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mata at inirapan.
"Paano kung hindi natin pinsan si Grae? Anong gagawin mo?"
Natigilan ako nang muli itong nagsalita. Naikuyom ko ang aking kamao. Sana nga! Sana nga hindi nalang kami naging pinsan.
"Kuya.. ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na 'yan. Mas lalo lang akong nasasaktan sa katotohanan na hindi kami pwede." Naluluhang sagot ko.
"Paano kung totoo ang sinasabi ko?" Nakataas ang kilay na sabi niya.
"Na anu? Na hindi natin siya pinsan? Ano nanaman ang trip mo kuya?" Tumingin ako sa kanya.
"What the hell! I'm effin' serious. Totoo ang sinasabi ko." Seryosong saad niya kaya natahimik ako. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng puso ko.
"We are Family but we are not blood related. Hindi natin totoong pinsan sina Nicolete, Israel at Grae dahil hindi magkapatid ang mga tatay natin." Tumigil siya at tiningnan ang reaction ko.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...