Heartache
"Dad Please, kahit bukas lang. Mom.." pakiusap ko. Gusto kong pumasok kahit isang araw lang para makapag-paalam man lang sa mga Instructor ko. Sa susunod na linggo pa ang operasyon ko at halos isang linggo na akong nagpapahinga.
May ginawa pang follow up check ups ang doctor sa akin at nasa stable condition na rin naman daw ako.
"Nakausap na namin sila tungkol sa kalagayan mo anak. Kung ako talaga ang papipiliin magpahinga ka nalang dito." Ani Mommy.
Yumuko lang ako at hindi sumagot. I feel useless while lying in my bed all day. Araw-araw naman akong binibisita ng mga pinsan ko dito pero kapag umaalis na sila, bumabalik ang lungkot na nadarama ko.
"Okay. Sige na. Pinapayagan ka na namin. Half day lang Yash, whether you like it or not, papahatid kita sa kuya o mga pinsan mo pauwi dito." Ani Daddy kahit hindi natutuwa sa kanyang desisyon.
"Yes! Thank you dad." Masiglang sabi ko at niyakap si daddy.
"Basta ang usapan magpapaalam ka lang at uuwi na agad." Muling paalala ni Mommy sa akin. Matamis akong ngumiti at tumango.
"Promise mom. I'll get back here before 12 noon." Ani ko at itinaas pa ang kanang kamay.
Hindi ko maipaliwanag ang excitement na nadarama. Halos isang linggo kong hindi nasilayan ang School namin at marami na akong na-missed sa lahat ng subjects ko. Hindi ko tuloy alam kong maipasa ko ba ang mga subject ko ngayong semester.
"Yash, tawagan mo ako kapag gusto mo ng umuwi mamaya ah." Paalala ni kuya Jarred sa akin habang naglalakad kami papasok sa Gate ng University na pinapasukan namin.
"She will kuya." Sagot ni Darcy habang naka-pulupot ang kamay sa braso ko. She's being childish again and she look so cute.
"Pwede namang ako nalang ang mag-hahatid kay Yashie. I only have one subject to attend today, kaya hindi ako busy." Singit ni Grae. Napatingin ako sa kanya..
"Hmmmm.. Pwede rin, ikaw ang bahala." Sang-ayon ko.
"Nice. Ingat kayo mamaya!" Bilin ni Kuya Jarred at tinapik pa ang balikat ni Grae bago kami iniwan dahil papasok na ito sa klase niya.
Humiwalay na rin si Darcy at Grae sa akin dahil may kanya-kanya na rin itong klase. Magkaiba ang course na tini-take namin. Si ate Nics at Kuya Jarred lang ang magkapareho ng kinukuha kaya kadalasan ay hindi kami palaging magkasama tuwing may klase.
Lahat naman ng naging kaklase ko ay naging kaibigan ko. Nagpapansinan kami, merong totoo sa akin at meron ding lumalapit lang sa akin para magpapansin sa kuya at mga pinsan ko. Wala akong naging bestfriend o masasabi kong nakakasama ko araw-araw dito sa University. I found it weird pero 'yon ang totoo. Hindi ko alam kung iniiwasan ba nila ako o ako ang may problema kaya wala akong naging malapit na kaibigan. But I think, my cousins are enough for me. I don't need someone to be my bestfriend becuase my cousins are my bestfriend. Sila lang para sa'kin ay sapat na.
Una kong pinuntahan ang Prof ko sa mga major subjects at personal na nagpaalam na hindi muna ako makakapasok. They Understand my situation at inaasahan daw nila ang paggaling ko.
Hindi ko namalayan na alas onse na pala ng umaga at ilang minuto nalang paniguradong tatawagan na ako nila dad na umuwi. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong tumatawag na si Grae.
"Where are you?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Nasa tapat ako ng Library building." Sagot ko.
"I'll be there. Wait for me..." Aniya at pinutol na ang tawag. Nanatili nalang akong tumayo doon at hinintay s'ya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na rin s'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/144282893-288-k962014.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomantikHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...