Heartbeat
Habang lumalalim na ang gabi ay mas lalong nagkakasayahan ang lahat. Nanatili lamang akong naka-upo sa upuan habang pinapanood ang lahat na nagsasayawan. Mas lalong lumakas ang musika at ingay ng mga tao.
Paminsan-minsan ding lumalapit sa'kin ang mga pinsan ko upang kamustahin ako. I'll just show them my sweetest smile and nodded. Kahit papaano ay sobrang saya ko ngayon dahil nakadalo ako sa mga ganitong okasyon.
Hindi ko na napigilan ang sarili nang mapa-hikab habang mag-isang naka-upo sa harap ng table namin. Nagpaalam si Grae na pumunta sa kabilang table para makipag-kwentuhan sa iba pa niyang mga kaibigan at kaklase pero hanggang ngayon ay hindi pa s'ya nakakabalik.
Naisip ko nalang na tawagan ang driver namin para makapag-pasundo na ako. Ayokong abalahin silang lahat lalo pa't nagkakasayahan na sila.
"Do you want to go home? Ihahatid na kita." Natigilan ako sa pag-dial ng number ni daddy nang biglang nagsalita si Grae. Bigla nalang sumusulpot kung saan-saan 'to.
"No need Grae. Magpapasundo nalang ako sa driver natin, 'wag ka ng mag-abala pa." Ani ko at tinuloy ang pag-dial sa cellphone ko. Ngunit nagulat ako nang bigla niya iyong inagaw sa akin.
"Fix your things. Ako na ang hahatid sayo. Yash, 'wag ka na kumontra." Aniya at tinalikuran ako.
"Wait, ang Cellphone ko." Awat ko sa kanya.
"Ibabalik ko lang 'to kapag nasa sasakyan na tayo." Sagot niya at tuluyan ng lumabas.
Habang tinatahak ko ang daan palabas ay nasalubong ko si Israel at Darcy.
"Yash, where are you going?" Tanong ni Israel sa akin.
"Uuwi na ako."sagot ko at tinapik sila sa balikat.
"Teka, sinong maghahatid sa 'yo?" Tanong ni Darcy.
"Si Grae. Nauna na siyang lumabas hinihintay na ako sa loob ng sasakyan." Sagot ko dito at tumango naman siya. "Paki sabi nalang sa kanila na umuwi na ako, hindi ko na sila mahanap."
"Sure, Mag-ingat kayo." Huling bilin nila at kumaway nalang ako.
Gaya ng inaasahan ko ay nauna na nga si Grae sa sasakyan nito. Nakatayo ito sa harap ng pintuan habang hinihintay ako, ngumiti lang ako sa kanya nang makalapit ako.
"Your phone.." aniya at ibinalik sa'kin ang cellphone ko.
Nasa loob na kami ng sasakyan at pauwi na.
"Sa labas mo nalang ako ng gate ihatid para makabalik ka agad sa party." Utos ko sa kanya.
"And who told you that I will go back there?" Ani niya at sumulyap sa akin.
"Bakit hindi na ba?" Muli kong tanong.
"Wala na akong gagawin doon. May dadaanan tayo, meron akong gustong ipakita sa 'yo. Anong oras na ba?" Napatingin naman ako sa orasan na nasa kamay ko.
"It's 11:50 in the evening." Ani ko.
"Good." Aniya at biglang lumiko ang sasakyan.
"Teka, saan ba tayo pupunta? Baka papagalitan tayo ni Daddy." Natarantang sabi ko at napatingin sa dinadaanan namin.
"Easy right there Yash. They won't know if you won't tell them." Nakangiting sabi nito kaya bigla akong naguluhan.
Ano nanaman kaya ang ginagawa nitong magaling kong pinsan?
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Muli kong tanong.
"Sa palagi kong pinupuntahan kapag wala ako sa mansion. Doon ako tumatambay kapag naguguluhan ako." Sagot nito habang nakatuon lang ang mga mata sa kalsada.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...