I can't!
Magkasama kaming magpipinsan sa iisang table at si ate Nics nalang ang kulang dahil abala pa ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya na kapwa model.
Nasa kaliwang gilid ko si Darcy at nasa kanan naman si Grae at Kuya Danrixx. Nasa harap naman namin si Kuya Vince, Kuya Jarred, Israel at si Daniela na kakarating lang.
"Nakakainis! Hindi ko man lang naabutan ang performance niyo." Nasasayangang sabi ni Daniela.
"Ate may video ako dito. Panoorin mo mamaya." Alok naman ni Darcy.
"Marami nanamang babae ang naakit ng dalawang 'yan. Look at those bunch of delusional girls, hindi na mawala ang mga mata dito sa table natin." Ani kuya Vince habang nginunguso ang table sa likuran niya.
Pansin ko ang pag-ngisi ni Israel at kumaway pa ito sa mga babae. Halatang kinilig ang ilan sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali mga kasamahan din iyon ng ate niya.
"Grae, mag-smile ka naman sa kanila." Dinig kong natatawang tudyo ni Kuya Danrixx sa katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
Tamad siyang gumalaw at tinalikuran si Kuya Danrixx at ngayon ay sa akin na siya naka-harap.
"Bakit naman ako titingin pa sa iba kung may nandito naman sa tabi ko." Nakataas ang kilay na sabi niya. Mahina lamang iyon pero sapat na para marinig ko.
Biglang uminit ang pisngi ko sa narinig. Humarap nalang ako sa unahan at nagsimula ng kumain ng Appetizer.
Naiilang talaga ako sa kanya.
Mag-sisimula na sana kaming kumain ng main dish nang dumating si Ate Nics.
"Happy Birthday Ate!" Mabilis na bumati si Daniela sa kanya dahil sa aming lahat siya nalang ang hindi pa nakakabati ng personal.
"You're late!" Puna ni ate Nics.
"Sorry, natraffic lang." Nakangising dahilan niya.
"Are you with Hiro? I forgot to invite him, sana sinama mo siya Dan." Muling sabi ni Ate Nics.
Napansin ko ang biglang pagkataranta sa mukha ni Daniela sa sinabi ni ate Nics. Wait, I sense something. Sino kaya 'yong Hiro?
"Who is Hiro Nics? Bakit kay Daniela mo siya Hinahanap?" Nagtatakang tanong ni Kuya Danrixx.
"Calm Down Drixx. Hiro is my Co-model. He's the MVP of MSU. Remember? nagkasama kami sa isang photoshoot sa product na pino-promote ng MSU. And he's also my---"
"Suitor?" Nakangising sagot ni Kuya Vince.
"No. We're just friends." Pairap na sabi ni ate Nics at muling hinarap si Daniela "Do you have his phone number Dan? Baka hindi pa naman siya busy, tatawagan ko siya at baka pupunta 'yon dito."
Ilang segundo pang natahimik si Daniela at magsasalita na sana pero bigla kaming tinawag ni tito Lessur at sinenyasang lumapit kaming lahat sa table nila.
"Nevermind nalang. Tinatawag na tayo ng elders. I guess, ipapakilala nila tayo sa mga bagong business partner ng Company." Ani ate Nics at naunang nag-martsa papunta sa table ng mga parents namin.
"This is it. I think this is my Chance." Dinig kong nagbubulungan si Kuya Jarred at Israel sa unahan ko habang naglalakad kami patungo sa table.
"Assuming ka! Sigurado ka bang sa 'yo ireteto ng parents natin ang babaeng 'yon? Malay mo kay Danrixx o baka naman kay Grae?" Mahinang bulong ni Israel pero sapat na para marinig ko na nasa likuran nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/144282893-288-k962014.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
Lãng mạnHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...