Confront
Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Hinanap ko agad ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table.
I smiled sweetly when I saw his message.
'Good morning princess'
Halos dalawang oras na niya ito na-sent sa akin. Ang aga niya naman nagising? Nag-tipa nalang ako ng irereply ko sa kanya.
'Good morning. Where are you?'
Nagmadali akong bumaba sa kama ko nang maalala ko na may date pala kami ngayon. Ayokong maunahan niya akong sunduin dito sa mansyon kaya dapat uunahan ko siya.
Ayokong may maka-halata pa sa amin. Sasabihin ko nalang sa kanya mamaya na doon na ako naghihintay sa paboritong tambayan nito.
Pagkatapos kong maligo at mag-bihis, agad naman akong nag-ayos ng sarili. Ilang beses na akong napapatingin sa cellphone ko pero hindi pa rin nagrereply si Grae. Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Nataranta akong tiningnan ang cellphone ko nang bigla itong nag-ring.
Napa-ngiti ako nang makitang si Kuya Vince ang tumatawag kaya mabilis ko iyong sinagot.
"Kuyaaa.." masiglang bati ko sa kanya.
"Kamusta ang prinsesa namin?" Aniya sa kabilang linya.
"I should be the one to say that kuya. Ikaw ang dapat kinakamusta." Sagot ko.
"Well. I'm happy but not totally happy. But still, I'm happy so it means, I'm okay."
Naguluhan ako sa sagot niya.
"Galit ka ba kay Daddy?" Tanong ko.
"No I'm not. Why would I? Naiintindihan ko siya at kung hindi niya man ako matanggap ayos lang din sa akin." Tugon niya kaya napatango ako.
"Basta kuya tandaan mo mahal na mahal kita. Tanggap kita kung anu ka man at malay natin, someday matatanggap ka rin ni daddy." Payo ko sa kanya at ngumiti ng malungkot.
"Kaya nga masaya ako dahil may nagmamahal pa rin sa akin. I'm so blessed to have you and kuya Jarred as my sibling. Mahal na mahal ko rin kayong dalawa. But anyway, tama na ang drama. May lakad kasi ako ngayon." Aniya.
"Sige kuya. Baka mamaya magkikita tayo kung makakapunta ako diyan." Ani ko bago nagpaalam sa kanya.
Lumuwag ng konti ang nararamdaman ko dahil sa pag-uusap namin ni Kuya Vince pero mas nangingibabaw ang pag-aalala ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-rireply si Grae sa mga messages ko.
Sinubukan ko rin siyang tawagan pero ring lang ng ring ang cellphone niya at walang sumasagot.
Nag-pasya nalang akong umalis nalang at doon nalang siya hintayin sa tambayan nito.
Sumakay ako ng taxi dala ang mga pagkain at manipis na blanket. Hindi naman doon mainit dahil may mga mayayabong na puno sa paligid. Malakas din ang ihip ng hangin dahil medyo mataas na ang lugar na iyon.
Ilang oras na akong nag-hintay sa text nito kung matutuloy ba kami pero kahit isa ay wala akong natanggap. Gusto kong umiyak dahil kinalimutan nalang nito ang usapan namin kahapon.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya kinain ko na ang mga pagkaing dala ko. Tinutulak na ako ng isip ko na umuwi nalang dahil palubog na ang araw pero gustong manatili ng puso ko. Gusto kong hintayin siya dahil alam niya naman na nandito na ako dahil sa mga text ko.
Alam kong nasa hospital siya ngayon. I confirmed it from Daniela.
Hindi ko siya pinagbabawalan na bumisita kay Kate sa hospital. I know they're just friend. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit buong araw siya doon at hindi man lang sinasagot ang mga tawag ko.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...