Note: Play the song above.
Torn
Pag-mulat ko ng aking mga mata naramdaman ko agad ang pagbabago ng lahat. Nasa hospital nanaman ulit ako at may mga apparatus nanaman na nakadikit sa katawan ko. Naramdaman ko rin ang biglaang pagbabago sa sarili ko, ang labis na panghihina. Halos hindi ako makagalaw ng maayos dahil wala akong lakas. Hirap rin ako sa paghinga.
Inikot ko ang mga mata sa kabuuan ng kwarto at nakita ko si Mommy na nagulat nang magtagpo ang mga mata namin. Agad siyang lumapit sa akin. Silang dalawa lang ni Daddy ang kasama ko.
"Anak, gising ka na! How are you?" Nag-aalalang tanong nito.
"My.." Hikbi ko. "Si... si Grae? Nasaan siya?" Mahinang sabi ko.
Napansin kong natigilan si Mommy at napahinga ng malalim.
"Anak please.." Tanging sagot niya.
"Ganyan ka na ba talaga ka suwail na anak sa amin ng Mommy mo Yashie?" Napatingin ako kay Daddy nang nagsalita ito. Nakatiim ang bagang nito. "Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon mo at inuuna mo pang hanapin ang taong dahilan kaya ka nandito?" May halong galit na sabi ni Daddy.
"No dad. Stop blaming him. Alam nating lahat na may sakit ako at hindi si Grae ang may kasalanan." Katwiran ko.
"At pinagtatanggol mo pa talaga ang pinsan mo? Bakit? Mas mahalaga na ba siya sa 'yo kumpara sa amin ng Mommy mo?" Muling utas ni daddy kaya mabilis akong umiling.
"Dad. Mahal na mahal ko kayo ni Mommy. Kayong lahat mahal na mahal ko kayo." Umiiyak na wika ko.
"Yashie anak. Kakagising mo lang kaya sana 'wag kang magpa-stress ulit. 'Yon ang payo ng doctor sa amin. Hindi ka pwedeng mastress." Pakiusap sa akin ni Mommy.
"I'm really dissapointed on you. Lahat kayo ng mga kapatid mo. Simula kay Vince, at sa magaling mong kuya na kinokonsente kayo sa kamalian niyo. At lalong-lalo ka na Yashie. You dissapointed me. Ikaw pa naman ang inaakala kong matino sa inyong magkakapatid pero nagkakamali ako." Pagpapatuloy pa ni Daddy kaya umiyak lang ako ng umiyak.
"Can you please shut up your mouth Cullen? Anak natin ang pinagsasalitaan mo ng ganyan. Kahit gaanu man kalaki ang kasalanan nila anak pa rin natin sila. Hindi sila perpekto tulad natin." Galit na rin na sabi ni Mommy.
"So anong gusto mong gawin natin sa kanila? Pababayaan sila sa maling landas na tinatahak nila?" Tanong ni Daddy sa malakas na boses.
Napapikit ako para pigilan ang mga luha ko. Nag-aaway nanamang muli si Mommy at Daddy dahil sa akin. They're fighting and it's all because of me. Dahil sa mga maling ginawa ko.
"Pwede ba lumabas ka muna rito? Kung may natitira ka pang awa sa anak natin, lumabas ka rito. Kakagising lang niya at alam mo ang kondisyon niya ngayon diba?" Ani Mommy.
Umalis si Daddy na hindi man lang ako sinulyapan. Naiwan si Mommy na umiiyak.
I can't say a words. Nahihiya akong magsalita dahil nilalamon ako ng guilt. Kung hindi dahil sa amin ni Grae hindi nangyayari ang lahat ng 'to.
"Anak, mag-pahinga ka lang diyan. Wag mong pansinin ang Daddy mo ha." Ani Mommy at hinaplos ang noo ko.
Naramdaman ko ang mainit na luha sa pisngi ko.
"Ang sabi ng Doctor hindi ka pwedeng mastress. 'Wag mo munang isipin ang ibang bagay maliban sa sarili mo anak. Pinag-aaralan na nila at sinusuri ang susunod mong operasyon. 'Yon ang pagtuunan mo ng pansin." Umiiyak na wika ni Mommy.
Napahikbi ako. Operasyon nanaman? Hanggang kailan ba ako makakaranas ng hirap para mabuhay ng normal? Pagod na pagod na ako. Do I really deserve to live longer?
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...