If I stay
Akala ko kapag hinayaan na kami ni Daddy at hindi na kami paglayuing dalawa ni Grae, magiging okay na ang lahat. Akala ko magiging maayos na ulit, pero hindi pa pala. It was never been easy at marami pa kaming kailangan malampasan at pagdaanan.
I sobbed and wiped my tears. Hanggang ngayon ay yakap-yakap pa rin ako ni Grae at ayaw niya akong bitawan. Hangga't hindi ko raw sinasabi sa kanya ang ginawa ni ate Nics, hindi niya ako bibitawan.
Napa-titig ako sa kawalan. Ayokong awayin niya si ate Nics dahil lang sa ginawa nito sa akin. Kami ni Grae ang dapat na mag-adjust sa lahat ng bagay dahil kami ang may nagawang hindi basta-basta matanggap ng lahat.
"Grae.." Sambit ko sa pangalan niya.
"Tell me." Sagot niya.
"Gusto ko sanang pumunta ka ng Acquaintance Ball." Ani ko at naramdaman ko ang pag-luwag ng yakap niya sa akin.
Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
"No. Dito lang ako." May finality na sagot nito.
"Isang gabi lang naman 'yon Grae. Ayos lang naman ako rito. Gusto ko lang na magsaya ka naman kahit minsan lang." Pamimilit ko sa kanya.
"I'm sorry Yash pero hindi kita mapag-bibigyan sa gusto mo. Do you really think that I'll be happy if I'll go there? Magiging masaya ba 'yong ise-set-up nanaman ako ni ate Nicolette sa mga babae do'n?" Sagot niya.
"I trust you. Alam kong wala ka namang gusto sa kanila kaya ayos lang." Ani ko.
"It's still a NO! What will I gain if I'll go to that fucking Ball? Wala naman diba? Kaya dito lang ako kasama ka." Hindi papatalong sagot niya kaya nanahimik nalang ako.
Kung ayaw talaga ni Grae, wala na akong magagawa do'n. Alam kong darating din ang panahon na maiintindihan kami ng ate niya at hihintayin kong dumating ang araw na 'yon.
"Matutulog ka na?" Tanong nito sa akin matapos akong tulungang makahiga ng maayos sa kama.
Napatingin ako sa wall clock at pasado alas-nuwebe na ng gabi. Bumalik ang mga mata ko kay Grae na nakatayo sa gilid ko at nakatingin din sa akin.
"Hindi ka ba uuwi?" Tanong ko.
Umiling ito.
"Nagpaalam na ako kay Tita na ako ang sasama sa 'yo ngayong gabi. Weekend bukas kaya wala kang dapat isipin." Aniya at umupo sa tabi ko.
Tumango nalang ako at tipid na ngumiti. He's really something.. something that can give too much happiness in my heart.
"Matutulog na ako. Matulog ka na rin. Good night Grae." Ani ko.
"Goodnight lang? Wala bang anu?" Aniya at napahawak sa batok nito.
"Ha?" Kunot noong sabi ko.
He just raised his eyebrows and bit his lower lip. Nataranta ako nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin, and the next thing happened.. my fist tightened and my heart trembled when I feel his soft lips against mine.
"Tulala ka pa rin diyan? Kanina pa kita hinalikan a?" Aniya habang nakangisi.
Sinamaan ko siya ng tingin bago inirapan.
"Ang ingay mo, nagpapaantok na ako." Mataray na wika ko.
Tumawa lang ito at humiga sa tabi ko. Naramdaman kong nagkadikit ang braso namin kaya muli nanamang nabuhay ang diwa ko.
"What are doing Grae? Do'n ka sa couch." Muli kong sabi.
"Wag kang magulo. Babantayan kita kaya matulog ka na. Wala naman akong gagawin sa 'yo." Depensa nito sa sarili kaya hindi na ako sumagot. Pakiramdam ko kasi hindi pa rin ako nakakahuma pagkatapos niya akong halikan kanina.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomantiekHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...