Chapter 24

556 16 42
                                    

Love, Rain

"Grae, makinig ka sa akin. Hindi ko kayang makita kang masaya sa piling ng ibang babae dahil.. Mahal din kita. I love you and I can't hide it anymore."

Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga luha ko sa mata. Kung may nararamdaman pa siya sa akin o wala man, ang importante malaman niyang mahal ko rin siya. Hindi ko na 'to kayang itago at pigilan pa. I want to spill it out and let him know the truth.

"I'm sorry kung sinaktan kita, kung tinulak kita palayo.. akala ko kasi makakaya kong panindigan kung anong tama. Akala ko kasi makakaya kong tiisin ang sakit araw-araw. Ang pang-hihinayang.. pero nakakapagod din palang manindigan. I-I know this will be a disgrace to our family, masisira at masasaktan natin sila." Humikbi ako bago muling nag-patuloy. "Hindi ko na alam kung anong gagawin."

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala ang lahat ng tamang bagay na pinaninindigan ko noon pa man. Sa loob ng dalawang buwan na pagsasakripisyo at pagtitiis ko sa sakit alam kong walang wala ito sa magagawa ng ibang tao para protektahan ang isang pamilya. Alam kong ilang taon ko na ring nararamdaman at tinatanggi sa sarili ko ang pagmamahal kay Grae at sa mga oras na 'yon alam kong nagsakripisyo na agad ako at ang Pamilya namin ang unang pumasok sa isip ko. Na hindi dapat ako makakaramdam ng kung anu paman maliban sa pagmamahal ng isang pamilya dahil pinsan ko siya.

"Hindi kita naririnig. Pwede bang lumipat ka dito sa tabi ko." Aniya.

Halos malaglag ang panga ko sa sagot niya. Tumigil kami sa gilid ng kalsada dahil sobrang labo ng paligid dulot ng napakalakas na ulan at sinabayan pa ng malakas na hangin. Halos puti nalang ang nakikita ko sa buong paligid.

"Hi-hindi ako makakalipat diyan. Malakas ang ulan sa labas." Sagot ko na nanginginig pa ang labi.

"Hindi ko naman sinasabing lumabas ka pa. Dito ka dumaan." Aniya at tinuro ang space sa gitna." You're too small to not fit in here." Aniya.

"Come."Inilahad nito ang kamay niya sa akin. Hindi na ako nag-dalawang isip pa na tanggapin iyon. Hindi ko namalayan na nag-kasya nga ako doon at ngayon ay nasa front seat na ako naka-upo at magkatabi na kami.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya.
"Grae, uulitin ko lahat. Ma-makinig ka sa mga sasabihin ko." Ani ko habang naka-kuyom ang kamao dahil sa labis na kaba. Ganito pala ang pakiramdam ng nagtatapat sa taong mahal mo?

Nagulat ako ng bigla niyang tinawid ang natitirang distansiya sa pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang higpit at halos mabaon ang mukha ko sa dibdib niya. I closed my eyes when I smell a manly scent from his body.

"Damn. Hindi mo alam kung gaano mo pinasaya ang puso ko ngayon." Halos pabulong na sabi nito.

"I heard everything Yash at hinding-hindi ako magsasawang pakinggan ulit 'yon mula sa 'yo. Akala ko hanggang sa panaginip ko nalang mangyayari 'to." Aniya na bakas sa boses ang tuwa. "Can you say it again? Please." He said with his pleading voice.

"I love you." Walang pakundangang sabi ko.

"At.. at.." nabubulol na sabi ko.

"What?" Aniya at kumalas sa akin

Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko.
"At.. nagseselos ako sa lahat ng mga babae na naging girlfriend mo." Derederetsong saad ko. Where did I got those guts to confessed him straightly? Hindi ko aakalain na darating ako sa puntong ito.

Hinaplos niya ang pisngi ko at inangat ito.

"From now on, You should stop that jealous thing. You owned my heart and no one can take away my princess here." Aniya at hinawakan ang dibdib. Mas lalong namula ang mukha ko. "You should mark that on your precious mind.. always. Okay?" Aniya at marahang pinisil ang pisngi ko.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon