Party
Tinitigan ko ng maigi ang sarili sa salamin na nasa loob ng aking kwarto. Tanaw ko mula rito sa bintana ng aking kwarto ang pagdatingan ng mga bisita at nasa garden area ang mga ito ng mansyon.
Tanaw ko rin mula rito sina Grae, Israel, kuya Vince at kuya Danrixx na nag-uusap at nagtatawanan. Nakabihis na rin ang mga ito at tumutulong sa pag-asikaso sa mga bisita.
Muli kong pinsadahan ang sarili sa salamin. Isang pink dress ang suot ko na tamang-tama lang sa hugis ng aking katawan. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Natigilan ako nang makita si Kuya Jarred na may kasamang babae na hindi familiar sa akin. Kumunot ang noo ko habang lumalapit sa kanila.
"Kuya.." Agaw ko sa atensyon niya.
"Yash, hindi ka pa pala lumalabas?" Aniya at napatingin ulit sa babaeng kasama niya. "By the way, this is my girlfriend. Hyacinth." Pakilala niya sa babaeng kasama at hinawakan ang kamay.
Medyo nanibago ako sa ginawa ni Kuya. Hindi siya ganito kung tratohin ang mga naging babae niya at hindi niya ito kusang pinapakilala sa amin kapag hindi namin tinatanong. Napatingin ako sa babae na hindi makatingin sa akin at nakayuko, halatang kinakabahan ito. Mas lalo akong nagtaka dahil ibang iba ito sa mga naging babae ni kuya.
Napakasimple ng damit at halatang hindi ito lumaki sa mayamang pamilya dahil wala itong kahit anumang arte sa katawan.
"H-hi." Nahihiyang bati nito sa akin.
"She's my younger sister. Si Yashie, siya ang pinakamabait sa pamilya namin siguradong magkakasundo kayo." Pagpapakilala ni kuya sa akin.
Nararamdaman ko na seryoso ang ginagawa ni kuya Jarred ngayon. I can see it in his eyes na may iba siyang nararamdaman sa babae. Kung paano nya ito titigan at tratohin, nararamdaman kong galing iyon sa puso niya.
Lumapit ako sa babae at niyakap ito.
"Hello ate Hyacinth. I'm glad to meet you.. at ikaw pa lang ang kauna-unahang babae na dinala ni kuya dito sa bahay." Masayang sabi ko at humiwalay sa kanya."Masaya rin akong makilala ka, Yasihe.. ate Haya nalang ang itawag mo sa akin." Aniya at ngumiti sa akin.
Tumango ako at ngumiti sa kanya bago tumingin kay Kuya Jarred.
"They already know about this kuya? Naipakilala mo na ba siya kay mom at dad?" Tanong ko.
"Not yet. Mamaya na kapag magkasama na tayo sa table. Busy sila ngayon sa pag-aasikaso sa mga bisita kaya nga sa likod kami ng mansyon dumaan." Paliwanag naman nito sa akin.
"Sige kuya, lalabas na muna ako. Sumunod kayo ha." Paalam ko sa kanila saka sila iniwan.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng excitement at saya. I'm pretty sure magiging masaya at magugulat nito si Mom at dad, dahil sa wakas ay may ipapakilala na rin si Kuya Jarred sa pamilya namin. At mapapanatag na rin ang loob ko na hindi na babalikan pa ni kuya si Evanny. Ngayon, naniniwala na akong wala na siyang nararamdaman pa kay Evanny.
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang tawanan at masayang usapan ni Ate Nics at Evanny. Simula pa lang noon, sobrang lapit na nila sa isa't isa. They're bestfriend ever since at si ate Nics din noon ang number one supporter sa relasyon ni Evanny at kuya Jarred.
"Yashie hija? Is that you? Ang laki mo ng bata ka at ang ganda.."
Nabaling ang atensyon ko sa isang kaibigan ni Mommy na lumapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi nito.
"Thank you tita. Kamusta po kayo?" Ani ko.
"I'm doing fine.. How about you hija? Your heart condition?" Muli niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...