Chapter 31

540 17 23
                                    

Mourn

"Ayon sa aming imbestigasyon, maaring nahulog ang katawan ng anak ninyo sa ilog at tinangay ito ng agos ng tubig."

Wala sa sariling nakikinig lang ako sa sinasabi ng mga pulis. Namamanhid na ang buong katawan ko at wala na akong luhang mailalabas pa kahit gustong-gusto ko pang umiyak.

"Nangyari ang aksidente dahil nawalan ng preno ang sasakyan na minamaneho nito at hindi niya siguro namalayan na papunta na ito sa bangin. Hanggang ngayon patuloy pa ring kinukuha ang sasakyan na nakasabit sa bangin habang ang sakay nito ay paniguradong nahulog na sa ilog dahil basag ang front mirror ng sasakyan at may mga bakas ng dugo kaming nakita doon."

Narinig kong mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Mommy.

"Wala kaming pakialam kung hindi na makukuha ang sasakyan. Ang gusto namin ay makita ang katawan ni Vince. Ang makitang buhay pa siya." Ani mommy na bakas ang paghihirap sa boses.

"Ginagawa na namin ang lahat ng makakaya namin madam. Walang tigil ang search and rescue operation ng kasamahan namin at ng coast guard na nasa karagatan ng antique at Iloilo dahil doon posibleng matagpuan ang katawan ng anak ninyo."

Hindi na sumagot si Mommy at umiyak lang na umiyak.

"Do everything you can. Kahit mag-bayad pa kami ng malaking halaga basta matagpuan lang ang katawan ni Vince." Ani tito Lessur.

Umalis na ang mga police at sumama sa kanila si Tito Lessur at tito Marco para tumulong na sa paghahanap kay Kuya. Habang si Daddy naman ay naiwan lang na tahimik at kanina pang walang imik.

"Anu Cullen? Masaya ka na ba dahil nawala na 'yong anak natin na nagdudulot ng kahihiyan sa pangalan mo? Wala ka man lang bang gagawin para sa anak mo?" Muli nanamang panunumbat ni Mommy kay Daddy.

Hindi ko na alam kung may magagawa ako para matapos na ang lahat ng nangyayari ngayon. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pagkawala ni Kuya Vince.

"Kung hindi mo siya tinakwil, hindi pa sana umabot sa ganito ang sitwasyon. Wala kang puso sa anak mo."

Napaiwas ako ng mga mata habang pinapanood si Mommy na inaawat ni kuya Jarred dahil gusto nitong sugurin si Daddy.

"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan para sa anak natin? Mas nasasaktan ako dahil ako ang may kasalanan." Sagot ni Daddy habang namumula na ang mga mata.

Tumulong na rin sa pag-awat si tita Keigh at tita Jen kay Mommy.

Napa-pikit ako at napatakip ng tainga. Hindi ko kayang panoorin at pakinggan ang nangyayari ngayon. I can't bear the pain. Parang sasabog ang dibdib ko at hindi ko maipaliwang ang nararamdaman.

"Kailangan mong umalis dito. Pumasok ka na muna sa kwarto mo."

Naramdaman ko ang pag-hawak ni Grae sa braso ko at dahan-dahan akong pinatayo. Hindi na ako nag-protesta pa at sumama nalang sa kanya.

Mas gugustuhin ko nalang na hindi marinig at makita ang pag-aaway nila Mommy at Daddy dahil mas lalo lang akong nasasaktan para kay Kuya Vince.

Dinala ako ni Grae sa kwarto ko at pina-upo sa kama. Napansin ko ang isang picture frame na naka-display sa bedside table ko. It was me, kuya Jarred at kuya Vince in one picture.

Kinuha ko iyon at niyakap. Akala ko kanina wala na akong luhang mailalabas pa pero muli nanamang bumuhos ito ngayon.

Niyakap ako ni Grae kaya mas lalo akong umiyak.

"I don't know how to make you stop from crying dahil maging ako ay nasasaktan din sa nangyari kay Vince." Aniya habang yakap-yakap ako.

"Grae, tell me. Sabihin mo sa 'kin kung bakit kailangan mangyari 'to? Na-napakabuting tao ni kuya pero ba-bakit sa kanya pa nangyari 'yon?" Ani ko sa pagitan ng pag-iyak.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon