Chapter 10

662 22 26
                                    

Heart

Natigilan ako sa pagbaba sa hagdan nang marinig ko ang ingay ng mga pinsan ko mula sa ibaba. Ang aga naman nila nagising.

Tumuloy ako sa pagbaba at nakita kong halos kompleto na nga sila pati ang dalawa kong kuya.
Lumapit si kuya Jarred sa akin at niyakap ako.

"Morning princess.." bati niya sa akin. Ngumiti ako at binati rin siya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Tara Yash. Sama ka? Jogging tayo." Singit ni Israel sa harapan namin habang nagsestretch pa ng katawan.

Ngayon ko lang napansin na halos nakapang-jogging outfit silang lahat. Kaya pala ang aga-aga ang ingay na nila.

Napangiwi ako nang binatukan ni Darcy si Israel.

"Bawal siyang mapagod talipandas! Hindi mo ba alam 'yon?" Pagpapaalala ni Darcy.

"Chill Darc. Baka lang naman gusto niyang sumama." Depensa niya sa sarili.

"Guys, let's go... Tumataas na ang sikat ng araw." Singit ni ate Nics.

"Bye Yash. Dito lang kami sa loob ng village. Mag-breakfast ka na." Paalam ni kuya Vince sa akin.

Halos nagsi-alisan na silang lahat pero may isang taong hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya.

Napa-iwas ako ng tingin nang magkasalubong ang mga mata namin. Pakiramdam ko lahat ng oras kapag magkaharap kami parang nakatitig lang siya palagi sa akin.

"Grae! Tara na." Tawag ni Kuya Danrixx sa kanya kaya napatingin siya sa mga pinsan kong tumigil at hinihintay siyang sumunod.

"Nag-bago isip ko. Kayo nalang, tinatatamad pala ako." Aniya at kumaway sa mga pinsan ko.

"Tinatamad o naeexcite ka lang talaga sa date mo today?" Mapanuksong saad ni kuya Vince.

"Naks. Dude, mag-hotel kayo ha. Bukas mo na iuwi." Natatawa pang suhestiyon ni kuya Jarred.

Gustong-gusto ko siyang sawayin dahil mali ang ginagawa niya. Siya ang mas matanda sa amin pero tinuturuan pa niya si Grae ng mga maling bagay.

"Asshole! Magsilayas na kayo rito." Singhal niya sa kuya ko na tinawanan lang ng mga pinsan ko bago tuluyang umalis.

Naiwan kaming dalawa na magkaharap. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya dahil nanatili lang din siyang tahimik.

"Uhhmm. Babalik na ako sa kwarto." Paalam ko sa kanya at tinalikuran na siya pero maagap niyang hinawakan ang kamay ko.

"Samahan mo ako. Swimming tayo." Aniya habang nangungusap ang mga mata.

"Hindi pa ako maliligo." Sagot ko.

"Then, just be there. Wala akong kausap." Aniya at hinila na ako patungo sa pool ng mansyon.

"Bakit hindi ka nalang sumama sa kanila?" Tanong ko habang lumalangoy ito sa swimming pool.

"Dahil gusto kitang makasama..." sagot niya at umahon sa harap ko.

Bigla akong namula at napaiwas ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko magawang tingnan ang kanyang hubad na katawan. Tumawa siya nang mapansin ang pagkailang ko.

Mapapaaga yata ang kamatayan ko sa ginagawa n'yang 'to.

Nakalusong sa tubig ang dalawa kong paa habang nakaupo sa gilid ng pool.
Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin. Hindi na ako nag-abala pang magsalita dahil parang natutuyo ang lalamunan ko.

"Hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo?" Tanong nito sa'kin na ikinataka ko. Kumunot ang noo ko na tiningnan siya. "I mean, pumapayag ka pa rin ba na makikipagdate ako sa nirereto ni daddy?"

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon