Her heart's worst tragedy.
Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng dinning room pero naririnig ko na ang ingay ng boses ng mga pinsan ko. Every Weekend ay sabay-sabay kaming nag-aalmusal kasama ang mga parents namin.Pag-pasok ko ay napansin kong kompleto na sila at may nakahain na rin na pagkain. Lumapit ako sa tabi ni Mommy at umupo sa bakanteng upuan.
"Good morning mom, kailan lang kayo dumating?" I kissed her cheecks and greeted her.
"Good morning princess. Kakarating lang namin ng daddy mo." Sagot nito sa tanong ko.
"Where's dad?" Tanong ko nang mapansing wala naman siya rito.
"Pabalik na siya may sinagot lang na tawag. Business matter, you know." Sagot ni mommy.
Napatingin naman ako sa pintuan nang makita si daddy na naglalakad papuntang direksyon namin. Nakasimangot ito habang nakatingin kay kuya Jarred.
"Jarred!"
Napatingin kaming lahat kay daddy nang tinawag nito ang pangalan ni kuya.
"What is it dad?" Kalmadong sagot nito.
"Ipaliwanag mo sa akin ang kagaguhang ginawa mo." Seryosong sabi ni daddy." Bakit may babae nanamang muntik magpapakamatay at ikaw ang tinuturong dahilan?"
"What?" Gulat na sabi ni Mommy.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng iba kong pinsan habang nanatili lamang akong tahimik.
Hindi ko talaga maiintindihan kung bakit may mga tao na kayang ipahamak at saktan ang sarili dahil lang sa ganoong kababaw na dahilan.
I'm not tolerating kuya Jarred pero halos alam naman ng lahat na hindi siya nagseseryoso sa isang relasyon, at isa pa mararamdaman naman natin kung seryoso at totoo ang pinapakita na pagmamahal ng isang tao sa'tin o hindi. Kung alam naman natin na sa umpisa pa lang ay hindi na ito totoo bakit pa tayo magpapadala? Sa pagmamahal hindi lamang puso ang pinaiiral sa lahat ng oras, kailangan din natin gamitin ang isip natin para protektahan ang puso natin na hindi madurog at masaktan."I have nothing to explain dad. I don't love her. Simple as that." Kalmado lang na sagot ni kuya kaya mas lalong nainis ang ekspresyon ng mukha ni daddy.
"Alam mo sa pinanggagagawa mong 'yan Jarred? Darating ang panahon na babalik lahat ng 'yan sa 'yo." Ani daddy at umupo na sa tabi ni mommy.
Hindi ko na narinig pa na sumagot si kuya Jarred.
"Calm down sweetheart, nasa harap na tayo ng hapag-kainan ako na ang kakausap sa anak natin mamaya." Sabi naman ni mommy.
"Pagsabihan mo 'yang anak mo." Huling sabi ni daddy at nagsimula ng kumain.
"Hindi ko tuloy maiwasang isipin na hanggang ngayon broken hearted ka pa rin Jarred." Napatingin kaming lahat kay ate Nicolette nang magsalita ito." Hindi ka pa ba nakaka-recover sa pang-iiwan sa'yo ni Evany kaya gumaganti ka sa ibang babae?" Dagdag pa nito.
Napa-ubo naman ng mahina si Kuya Vince.
"That's exactly what I was thinking Nics. What do you think tito Cullen?" Nakangisi namang sabi ni Kuya Danrixx.
"Halatang-halata naman sa pinanggagawa n'ya." Pagsang-ayon naman ni daddy kaya mas lalo lang nainis ang ekspresyon ng mukha ni kuya Jarred.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...