Chapter 15

587 23 21
                                    

Close

"One more shot!" Sigaw ni ate Nics habang todo ngiti sa camera. Magkasama silang tatlo nina Evanny at Daniela habang si Kuya Vince ang kumukuha sa kanila ng litrato.

Nakatitig lang kami ni Darcy sa kanila habang nagtatawanan. Nakabihis na silang lahat at anytime pwede na silang magtampisaw sa tubig. Kulay itim na bikini ang suot ni Evanny habang naka-kulay yellow na swim suit naman si ate Nics. Maiksi at manipis na short at bra naman ang suot ni daniela.

Mas lalong bumagay kay ate Nicolette ang suot niya ngayon. Bumagay ang suot nito sa puti niyang balat. She looks hot and sexy at hindi iyon maikaka-ila. Siya ang pinaka-kilala ng mga tao sa aming lahat. She is the face of our family. Smart, brave and responsible. A model and beauty queen as well.

Kahit anuman ang suotin nila ni Evanny meron pa rin silang may ipagmamalaking katawan. They have a body to die for, butt and chest na hinahanap talaga ng mga lalaki sa isang babae.

Napangiwi ako nang mapatingin sa aking dibdib. Hindi naman sa wala talagang makita, meron namang konti. Besides, I'm still young at someday magkaka-laman din 'to. Kung hindi rin naman, wala pa rin akong pakialam. Gumaling lang ako sa sakit ko sapat na 'yon sa akin.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na rin ang mga boys. Naka-topless na rin sila at shorts ang suot nilang pang-ibaba.

"Ready na ba ang pump boat kuya?" Tanong ni Darcy kay Kuya Danrixx.

Hindi kasi kami maliligo dito. Doon daw kami maliligo sa kabilang isla dahil mas maganda doon.

"Yeah! Kayo nalang ang hinihintay." Sagot nito at nauna ng naglakad patungo sa naghihintay na medyo may kalakihang pumpboat.

Sabay kaming lumabas ng cottage ni Darcy at kami yata ang pinakahuli. Napalingon ako sa likuran at mas nahuhuli pala si Grae sa amin.

Mabalis akong umiwas ng tingin nang magtama ang mata ko sa topless niyang katawan. Biglang uminit ang mukha ko dahil doon. Kainis!

Naabutan  namin na si Evanny ang pinakahuling umakyat ng pumpboat habang inaalalayan ng isa sa mga nag-ooperate ng pumpboat.

"Yash! Nakalimutan nga pala kita. Umakyat ka na dali!" Sigaw ni kuya Jarred sa itaas habang nakalahad ang dalawang kamay sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Masumbong ko nga kayong dalawa mamaya kay tito Cullen. Iniiwan-iwan niyo nalang si Yashie!" Natatawa pang saad ni ate Nics sa dalawa kong kuya.

Naunang umakyat si Darcy sa kahoy at maliit na hagdan upang makaakyat na sa itaas ng pumpboat. Nang makaakyat na ito ay ako naman ang sumunod. Bago ko pa matanggap ang kamay ng lalaking umaalalay sa amin ay may umagaw na sa kamay ko mula sa likuran.

"Ako na!" Ani Grae kaya napaatras ang lalaki.

Hindi na ako nag-abala pang lingunin s'ya dahil  pakiramdam ko ay namumula nanaman ang mukha ko.

Tinaasan ako ni Darcy ng kilay nang makaakyat na ako sa itaas. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n kaya nginitian ko siya.

Sa pinakadulo ako na upuan umupo kasama pa rin si Darcy. Umandar na ang pumpboat at nagsimula ng mag-ingay ang mga pinsan ko.

Mas lalong naghiyawan ang mga pinsan kong lalaki nang may makasalubong kaming maliit na pumpboat at may anim na babaeng nakasakay at halos naka-bikini lahat.

Dinig na dinig ko pa ang pag-sipol ni Israel at Kuya Jarred. Magkatabi silang apat sa unahan namin kaya kitang-kita ko kung ano ang pinanggagawa nila.

Naningkit ang mga mata ko dahil kumaway pa ang isang babae na blonde ang buhok. Sinundan ko kung saan ito nakatingin at nasa pinakagilid ang kinawayan niya. Tumaas ang kilay ko dahil si Grae ang naka-upo sa pinaka-gilid.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon