Chapter 27

528 17 35
                                    

Limitation

"Kuya, hindi na ba tayo bibili ng pagkain?" Tanong ni Kuya Vince sa nag-mamanehong si Kuya Jarred. Magkasama kaming tatlo ngayon papuntang Molo sa bahay ni tito Marco.

"Don't need to buy foods. Sabi ni Grae mag-luluto raw si Tita dahil alam niyang pupunta tayo ngayong araw." Sagot ni Kuya Jarred.

"Anong oras tayo uuwi?" Singit ko sa usapan.

"Baka mamayang gabi pa siguro." Hindi siguradong sagot ni Kuya Vince.

"Pinag-nanasaan mo nanaman 'yan?"

Napatingin ako kay Kuya Jarred dahil sa sinabi niya. Hinablot nito ang cellphone ni Kuya Vince pero mabilis naman naagaw pabalik ni kuya Vince dahil nagmamaneho ng sasakyan si Kuya Jarred.

"Yiee.. sino ba 'yan?" Naka-ngising usisa ko.

"Mga pakialamero kayo ah." Ani Kuya Vince at tinago ang cellphone.

"Stalker!" Bentang sa kanya ni Kuya Jarred.

"Hindi ako stalker. Naka-follow siya sa instagram account ko kaya normal lang na makikita ko ang mga post niya. Duh!" Ani Kuya Vince at umirap ng ilang beses.

"Paano nalang kaya kapag malaman na ng mga elders at matatanggap ka nila? Siguro jojowain mo na 'yan agad-agad?" Nakataas ang kilay na sabi ni Kuya Jarred.

Nagulat ako ng humalakhak lang si Kuya Vince.

"Anong akala mo sa 'kin? Nag-rerebelde? At kailan ka pa naging mang-huhula?" Tumatawang sagot nito.

"It's a possibilities in the future. Mabuti nalang mabait ako kaya hanggang ngayon hindi pa nalalaman ni daddy. Ang dami ko na palang nagawang mabuti 'no? Bumawi naman kayo sa 'kin paminsan-minsan." Pag-mamayabang nito.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hiyang-hiya naman kami sa 'yo? Mas marami kaya akong nagawang mabuti para sa kapakanan mo!" Hindi patatalong utas ni Kuya Vince.

"Talaga?" Naka-ismid na tanong ni Kuya Jarred.

"Yeah. Kung ikukwento ko lahat sa 'yo, kahit buong mag-hapon pa hindi tayo matatapos." Ani kuya Vince.

"Wow? Nakaka-touch ka naman." Komento ni Kuya Jarred.

Tumawa nalang ako sa bangayan nila.

"Kailangan ko pa bang sumali?" Singit ko sa bangayan nila.

"Wag na Yash. Mapapa-hiya ka lang sa 'kin." Natatawang sagot ni Kuya Jarred.

"Mabait ka nga talaga."

Dahil sa bangayan namin hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nila tito Marco. Excited akong bumaba ng sasakyan. I really missed him. Tatlong araw na hindi kami nag-kasama dahil naging busy kami sa school at ganoon din siya.

Natigilan ako nang makita ko si Grae na lumabas sa gate ng bahay nila pero mas naka-agaw sa atensiyon ko ang babaeng nasa likuran niya.
Matangkad ito at kulot ang buhok. Hindi maikaka-ilang maganda ito at bagay na bagay sa kanya ang maputing kulay ng balat.

"Grae saan punta mo?" Si Kuya Vince ang unang tumanong sa kanya.

"Laundry station." Sagot niya at napa-tingin sa akin. Nagulat siya at binalingan ang babae sa likuran niya.

"Si Riva nga pala.. anak ng kababata ni Mommy from Manila. Dito sila tumutuloy sa bahay pansamantala." Aniya at pinakilala sa amin ang babaeng kasama niya.

Ngumisi naman si Kuya Jarred at tinapik siya sa balikat.

"Halatang sinuswerte ka ngayon ah." Natatawang sabi ni Kuya Jarred.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon