Chapter 22

510 18 26
                                    

Jealous

"Kuya's not picking up his phone. Mag-tataxi nalang siguro tayo." Ani Darcy at ipinasok na sa shoulder bag nito ang cellphone niya.

"Hindi rin nag-rereply si Kuya Jarred sa 'kin." Tugon ko kaya umikot ang mga mata niya.

"Kung maghihintay lang tayo rito siguradong hindi tayo makaka-uwi. Mag-abang na tayo ng Taxi yash." Aniya kaya tumango nalang ako. I know she's pissed. Umaasa kasi kami na may susundo sa amin dahil alam naman nila lahat na umalis kami ni Darcy papuntang Downtown.

Mag-kasabay kaming nag-lakad papunta sa kabilang street dahil doon pa pwedeng mag-abang ng taxi.

Natigilan kami pareho sa paglalakad nang may tumigil na pamilyar na sasakyan sa gilid namin.
Bumaba ang mirror at may ulong lumabas mula roon.

"Why are you two here?" Kunot noong tanong nito.

Hindi ako nakasagot at nanatili lang na nakatitig sa nakakunot noong mukha ng pinsan kong si Grae. Hindi ko alam kung bakit nandito rin siya sa Downtown.

"Actually pauwi na kami. Pauwi ka na ba?" Sagot ni Darcy.

"Hmm. Hindi pa ako uuwi pero pwede ko kayong idaan sa mansiyon."Aniya at naghintay sa sasabihin namin.

"Mabuti naman. Let's go Yash." Yaya ni Darcy sa akin at nauna nang tumungo sa passenger seat.

Nag-alangan pa akong sumunod sa kanya pero wala na akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Mahigit ilang buwan na rin ang nakalipas at ngayon ay second semester na. Tuluyang nagbago ang pakikitungo ni Grae sa akin pero wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko.

"May kasama ka pala huh?" Mahinang utas ni Darcy nang mapansing may kasama palang babae si Grae na nasa front seat.

Napalunok ako ng laway nang maramdaman ko ang pag-sikip ng aking dibdib.

Naunang pumasok si Darcy sa loob kaya pumasok nalang din ako. I can make it. I'm used to it kaya alam kong kakayanin ko.

"By the way, this is Sunny--" pagpapakilala ni Grae ng babae niyang kasama sa amin pero biglang sumingit si Darcy.

"Alright. Who cares?  Wala namang bago." Mataray na sabi ni Darcy.

"Rude!" Komento niya saka mahinang humalakhak. "Wag na nga lang, hindi naman importante 'yon. Diba Sunny?" Dagdag niya at sumulyap sa kasama.

Tumango lang ang babae pero hindi nito inalis ang mga mata sa hawak na cellphone. Hindi man lang ito nag abalang lumingon sa amin.

"Collecting bitches again huh?" Parang nanunuyang sabi ni Darcy kaya marahan ko siyang siniko sa tagiliran. Hindi na dapat siya magsalita pa ng ganyan lalo pa't nakikinig ang babae.

Hindi na nagsalita pa si Grae at pinatakbo na ang sasakyan.

"Love, saan tayo pupunta ngayon?" Malanding sabi ng babae pagkalipas ng ilang minuto. "Gusto ko sa bahay niyo nalang. Doon nalang tayo sa kwarto mo." Dagdag pa niya sa mas lalong malanding boses.

Bigla akong nanlamig sa narinig. He's out on his mind? Paano niya nagagawang magdala ng ganyang babae sa bahay nila?

"Ayoko." Tipid na sagot ni Grae at muling tumingin sa unahan.

"But love, gusto ko do'n tayo. Ayoko ng maraming distorbo." Anito sa nagtatampong boses.

"Dear, the deafening flirty voice from you is killing me here. Can you please turn the stereo on? If it's okey with you?" Malambing na sabi ni Darcy pero alam kong nakaka-insulto iyon sa part ng babae.

Pinandilatan ko si Darcy ng mga mata ko pero hindi niya ako pinansin. Alam kong hindi na ito bago sa mga mata ko dahil simula pa man noon ganito na siya makitungo sa mga babae ng mga pinsan at kuya ko lalo na kapag nararamdaman niyang masama ang mga ugali nito.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon