Chapter 35

489 14 41
                                    

Messed

"Kanina ka pa walang gana. Anu ba nangyari sa iyo?" Pangungulit ni Israel kay Darcy. But Darcy didn't answered and kept looking away.

Napakamot nalang si Israel sa ulo niya. Sinubukan ko rin siyang kausapin kanina pero wala rin akong nakuhang sagot.

"Bahala ka nga!" Ani Israel at iniwan kami nang tawagin siya ni Kuya Danrixx.

Nasa Days Hotel kami ngayon at dumalo sa Aniversarry party ng kompanya. Maraming mga bisita na kasusyo ng mga parents namin sa negosyo.

Lumapit ako kay Darcy at umupo sa tabi niya.

"Wala ka bang balak magsalita diyan?" Muli kong pangungulit.

She just shook her head and I noticed her fist fluttering.

"Nothing. I'm really sick of being a youngest sibling." Aniya at bakas ang galit sa boses.

"Ba-bakit? Nag-away ba kayo ni Daniela? Pinagalitan ka ba ni Kuya Danrixx?" Tanong ko.

"Now I know the reason kung bakit nilayuan niya ako. Alam ko na kung bakit bigla nalang niya sinabi sa akin ang mga salitang 'yon." Aniya at humarap sa akin. "Ganyan ba talaga ang pamilya? Pinakikialaman tayo sa mga bagay kung saan tayo nagiging masaya?" Bakas ang pait sa boses na sabi niya.

"Bakit anu ba nangyari?" Naguguluhan kong tanong.

"I'm too much sucked up of having an over protective brother. Alam mo 'yon? Anong karapatan niyang pakialaman ang sarili kong buhay?" Galit na sabi niya.

I took a deep breath. Simula pa man noon ganyan na talaga ang ugali ni Kuya Danrixx.  Maging sa akin ay ganyan din naman siya pero tama naman si Darcy. Protecting our family isn't bad but we should know the limits. We should know where should we just be.

I know I have no right to voice out these thoughts in my mind because even I, myself overstepped the limits.

"I'm sorry Darc. I hope You'll be okay." Ani ko at niyakap siya.

Nagpaalam muna ako ng saglit sa kanya upang tumungo sa Comfort Room. Hindi pa bumabalik si Grae sa hotel dahil inutusan siya ng daddy niya na ihatid ang isang medyo matanda ng bisita namin kanina.

Nang makapasok ako ng Comfort Room naabutan ko roon si ate Nics na nakaharap sa salamin at nag-reretouch ng make up niya.

Binati ko siya at nginitian niya lang ako. Lumabas naman agad ako pagkatapos kong ayusin ang sarili at maghugas ng kamay.

Nagpaalam ako kay ate Nics pero hindi niya na ako pinansin pa dahil abala na ito sa cellphone niya. She's acting weird? Alam niya na rin kaya totoo?

Lumiko ako sa likurang bahagi ng hotel dahil may lagusan ito palabas sa likuran ng hotel kung saan meroong mini Garden.

"Yashie!" Napalingon ako nang marinig kong tinawag ni ate Nics ang pangalan ko. Nakasunod pala siya sa akin.

"Bakit ate?" Tanong ko.

"Watch this." Aniya at ibinigay sa akin ang cellphone niya.

Alanganin ko iyong tinaggap at tiningnan ito. Biglang nanlamig ang buo kong katawan. Halos sumabog ang puso ko sa labis na kaba at gulat.

"That was taken from the cctv footage at home. Was it just last week right? Ang sweet niyo namang dalawa ng kapatid ko. You know, I'm trying not to give it another meaning but I'm totally distracted." Aniya at inagaw sa akin ang cellphone niya.

"How about this?" Muli niyang utas at hinarap sa akin ang cellphone niya. "This is such a sweet photo indeed. He was gaving you a bouquet of flowers in public? It would have been nice to see if he had given it to other girls out there. Iniisip ko na nga lang na baka nagpasuyo lang si Grae sa 'yo na ibigay iyon sa nililigawan niya. Pero, parang hindi naman." Aniya bago ibinaba ang cellphone.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon