Chapter 6

796 27 27
                                    

Heart to Heart



"Yashie!" Sambit ni Grae sa pangalan ko.

His lips form an O. Pinasadahan niya ako ng tingin mula taas hanggang baba. Para itong nagulat nang makita ako sa harap niya.

"Wow. You look gorgeous!" Aniya at sinalubong ako sa parking area.

Alanganin lang akong ngumiti sa kanya. I don't know what word to say. Should I say thank you  dahil naappreciate n'ya ang ganda ko? 'Wag na. Nakakahiya.

Ngayong gabi gaganapin ang Acquaintance ball sa school namin at halos lahat din ng mga pinsan ko ay abala na sa kanya-kanya nilang ginagawa.

"Are you ready?" Tanong nito nang magkalapit na kami.

Tumango ako sa kanya habang hindi inaalis sa kanya ang aking mga mata. Alam kong gwapo at maraming babae ang nagkakagusto kay Grae. Pero, pwede pa palang madagdagan ang kaguwapohan niya kapag makikita mo s'yang nakasuot ng Formal attire.

He is wearing fitted white long sleeve inside his dark blue coat. His neck tie adds to looks him more attractive. His black shoes are sparkling. Mas lalong nadepina ang mahahabang paa nito dahil sa suot na slack.

"I'm handsome right? Alam ko na 'yan matagal na.. H'wag mo na akong titigan ng ganyan."nakangising sabi nito kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

I exhaled and raised my right eye brow.

"Wala akong sinabi na ganyan kaya mali ang iniisip mo. I'm worrying about tonight." I lied.

"Why? What makes you feel worried? Magkasama naman tayo at hindi kita pababayaan." Kunot noong tanong n'ya.

"Paano 'yong kate? Diba inaasahan ng lahat na s'ya ang magiging partner mo?" Umiwas ako sa mapanuri niyang tingin.

He softly laughs matapos marinig ang sinabi ko.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang iniisip mo ngayon. Wala akong pakialam sa kanila at wala akong sinabi kay Kate na pumapayag ako sa gusto niya. So, will you stop worrying? Stop thinking those stuffs and such." Aniya habang lumalambot ang tingin sa akin.

"Okay. Ito 'yong unang beses ko sa mga ganitong bagay kaya hindi ko mapigilan." Pagsang-ayon ko sa kanya.

"As long as nandito ako.. there's nothing to worry about tonight." Aniya. "I think, we have to go now. 20 minutes nalang magsisimula na ang program." Anito habang tinitingnan ang relo sa kamay.

Inalalayan niya akong makapasok sa loob ng sasakyan habang nakahawak ang kamay niya sa kamay ko. Yumuko ako at tiningnan ang suot na gown, kulay sky blue ito na tamang-tama lang sa katawan ko.

"Thank you, Grae." Ngiting sabi ko sa kanya nang maka-upo na ako ng maayos sa loob ng sasakyan.

He just sweetly smile at me before he closed the door. Lihim akong napangiti sa kawalan. I didn't anticipated that He can gentleman as this. Bago ang lahat sa akin, simula pa man noon.. hindi niya ako pinapansin at para lang akong hangin kung tratuhin niya.

"Alam mo? Ang layo mo ngayon sa inaakala ko sa'yo dati." I opened up to him.

"Talaga?" Manghang sabi n'ya habang pasulyap-sulyap sa akin.

"Noon kasi hindi mo ako pinapansin." Bahagya akong natigilan nang napagtanto ko kung ano ang sinabi ko pero sinisigaw ng puso ko na ituloy lamang ito.

"Iniiwasan mo ako at hindi kinakausap. Iniisip ko nalang na siguro ayaw mo akong maging pinsan kaya nagkakaganyan ka." Malungkot na sabi ko pero pilit na ngumingiti. Gusto kong sabihin 'to kay Grae dahil ayokong baka bukas magbabago nanaman s'ya at babalik sa dati na hindi ako pinapansin. Mas pipiliin ko na lamang ang dating ugnayan na meron kami kesa naging ganito kami ngayon at babalik naman ulit sa dati kinabukasan.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon