It's been 1 month? Nakabalik na rin ako. Kakatapos lang kasi ng defense kaya ngayon lang ako naka-balik.
Treasured memories
Four months had passed. Maraming nag-bago at nangyari sa loob ng apat na buwan na lumipas. Noong nakaraang buwan ay muling nagkabalikan si Mommy at daddy at isa iyon sa mga magandang nangyari. Noong nakaraang linggo lang din sabay na nag-Graduate sina Kuya Jarred, Ate Nics at Kuya Danrixx. Sa araw ring iyon ay muli kaming nabuo dahil sa celebration ng Graduation nila.
Nangungulila pa rin kaming lahat sa pagkawala ni Kuya Vince pero unti-unti na rin naming natatanggap sa sarili namin ang pagkawala niya. Kahit man maaga siyang nawala sa amin, hinding hindi naman siya mawawala sa puso't isipan namin. He will forever be treasured in our hearts.
Nasa bahay kami ngayon nila Darcy dahil umalis lahat ng mga elders kasama sina Kuya Jarred, Ate Nics at Kuya Danrixx. Sinama sila nila daddy sa Cebu dahil magsisimula na sila sa kanilang trabaho sa Company din ng mga elders namin.
"It's too early para bumiyahe. Sigurado ba kayo na hindi aantukin ang mag-mamaneho?" Utas ni Daniela. Nasa labas na kami ng bahay nila dahil napagkasunduan namin kagabi na gumala ngayong araw.
"Nag-kape na ako. Hindi na ako aantukin nito." Sagot ni Grae.
"Sure ha." Paninigurado ni Daniela at muling pumasok sa bahay para kunin ang mga gamit nito.
"Sigurado ka ba na kaya mo? It's 4 in the morning. Pwede namang kapag sumikat nalang 'yong araw tayo aalis." Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at lumapit sa akin.
"Gising na gising ako kapag kasama kita." Sagot niya kaya inirapan ko nalang siya. Ayokong kiligin ng ganito kaaga.
Hinubad nito ang suot na ball cap at isinuot sa ulo ko.
"Gamitin mo na 'to, may hood naman ang jacket ko." Ani ko at kukunin sana sa ulo ko ang sombrero pero pinigilan niya ako.
"No. You need to wear Cap. Mahamog pa dito sa labas." Pamimilit niya kaya hindi na ako komontra. Inabot ko nalang ang hood ng jacket niya at isinabit ito sa ulo niya.
Napansin ko namang napangiti siya sa ginawa ko.
Napatingin ako sa gilid ko nang makitang papalapit sa amin si Darcy. Napansin ko ang pag-iwas ng mga mata niya nang makita kaming dalawa ni Grae kaya lumayo ako ng konti.
Sunod na lumabas ng bahay si Daniela at Israel na may dalang bag.
"Wala na bang naiwan do'n sa loob?" Tanong ni Darcy.
"Wala na siguro.." Sagot ni Israel at halatang inaantok pa.
"So? Let's go. I'm so excited naaa." Ani Darcy at naunang pumasok sa Van na gagamitin namin.
Medyo mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. They agreed to visit the Town of Tubungan Iloilo. May Tita raw doon sina Daniela sa side ni Tita Keigh at doon kami pansamanatalang dadayo ng ilang araw.
Nakabukas ang bintana ng Van dahil malamig at presko naman ang ihip ng hangin dahil nasa labas na kami ng City Area.
Si Grae lamang mag-isa ang nasa front seat at nagmamaneho ng sasakyan habang kaming lahat ay nasa passenger seat. Siya na ang nagpumilit na dito ako umupo para makaka-tulog raw ako ng maayos pero hindi naman ako naka-tulog marahil ay sa labis na excitement.
Gising na gising din sina Darcy, Israel at Daniela at abala sa pagtitingin sa mga nadadaanan namin.
Napa-ngiti ako nang makita ang Landmark na nasa bayan na kami ng Guimbal. Namangha ako sa mga nadadaanan namin dahil sa ganda at linis ng paligid.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
RomanceHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...