Chapter 12

584 20 12
                                    

Schedule

"We already have a schedule for her first operation. Meron pa siyang dalawang linggo para mag-pahinga at may gagawin pa kaming mga check-ups bago gagawin ang kanyang Operasyon." Nakatungo lang ako habang nakikinig sa usapan ng doctor at nina Mommy at daddy. Tahimik lang din na nakikinig si Kuya Jarred at kuya Vince na naka-upo sa gilid ko.

Bumaling sa akin ang doctor at lumapit sa akin.

"Are you still feeling weak hija?" Tanong ng doctor sa akin.

"I'm okay doc, nakakahinga naman po ako ng maayos. Nanghihina lang po ako ng konti." Sagot ko.

"Kailangan mong mag-pahinga. Hindi ka pwedeng mapagod at wag kang masyadong mag-puyat. Kailangan mong sundin ang lahat ng payo ko para nasa stable condition ang immune system mo. Are you ready for your first Operation?" Ani ng doctor at halos tango lang ang naisagot ko.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot at pangamba sa posibleng mangyari sa aking operasyon. I don't want to see my Family hurting because of me. Lalong lalo na sina Mommy at daddy, kung pwede nga lang na hindi sila mamroblema sa kondisyon ko at sarilinin ko 'tong mag-isa gagawin ko.

Tuwing inaatake ako pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ng buhay ko. I'd suffer a lot simula pa noong bata pa ako. Nasasanay na nga ako at parang normal nalang sa akin tuwing inaatake ako ng sakit ko kahit ang totoo walang katumbas ang hirap at sakit na nararamdaman at pinagdadaanan ko. Lumalaban ako para sa mga taong nagmamahal sa akin.

"Everything will be okay baby. Kailangan mong lumaban, hinding-hindi ka namin iiwan ng daddy at mga kuya mo. Kaya magpakatatag ka at maniwalang gagaling." Ani Mommy habang hinahaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa aking pisngi.

"Mommy, I'm scared.." naluluhang sumbong ko. "Natatakot ako sa posibleng mangyari. Paano kung hindi na ako magising? Ayokong masaktan kayo dahil sa akin." Umiiyak na sabi ko at niyakap si Mommy ng mahigpit. Kapag niyayakap ko siya pakiramdam ko walang mangyayaring masama sa akin. Pakiramdam ko ligtas ako at walang dinadalang sakit.

"Yashie listen. Ikaw ang prinsesa ni daddy at hinding hindi ka namin pababayaan. Wala kang dapat isipin dahil gagaling ka. God will grant our prayers, okay? He will Heal your heart." Ani daddy habang hinihimas ang aking likuran.

Mas lalo akong naging emosyonal hindi dahil sa sakit ko. Kahit pala ganito ang sitwasyon ko ang swerte ko pa rin dahil marami akong karamay at mahal na mahal ako ng pamilya ko.

Halos kalahating oras nila akong pinatahan at bumalik na rin sa normal ang nararamdaman ko. Biglang gumaan ang aking damdamin dahil nailabas ko ang nagpapabigat dito.

Nagpaalam muna saglit si Daddy at Mommy para mag-lunch dahil hindi pa sila kumakain.
Bumalik ako sa pagkakahiga habang katabi ang dalawa kong kuya.

"Alam mo Yash, itong pinky Cheecks na 'to..." Ani kuya Jarred at hinawakan ang pisngi ko gamit ang isang daliri niya. "Pointed nose, Angelic eyes and kissable lips, minana mo lahat ng 'to sa akin." Aniya at proud na proud sa sarili.

"Wow! Tirhan mo naman sina Mommy at daddy, Kuya. Nahiya naman ako. Ginawa mo namang babae ang mukha mo. Don't tell me gumagaya ka na rin sa akin?" Natatawa namang komento ni kuya Vince.

Hindi ko napigilang matawa sa usapan nila.

"Shut up Vince. Syempre manly version 'yong sa akin. Wag ka ngang umasa na gagaya ako sa'yo, gusto mo yatang dalawa tayo ang ipapatapon ni dad sa ibang planeta. Mawawalan ng poging kuya ang Prinsesa natin." Pagtatanggol naman ni kuya Jarred sa sarili habang hinahagod at pinaglalaruan ang buhok ko.

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

"So akong mag-isa lang pala ang ipapatapon kapag nagkataon? That sucks!" Nahihintakutang sabi ni Kuya Vince.

Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon