Note: This is not the last chapter but I would like to say thank you for reaching here. Ang haba na ng narating natin sa kwento nila, so I think kailangan na rin natin mag pahinga katulad nila. Next chapter will be the Final Chapter.
Torment
"Oh! Damn those hot legs." Kantiyaw ni Jarred habang nakatuon ang mga mata sa dumaan na grupo ng mga babae. They are wearing their fitted short for cheer dance rehearsal. Sobrang ikli ng suot nila at bakat na bakat sa kanilang katawan kaya kitang kita ang mga makikinis nilang legs.
Maging ako ay hindi iyon pinalampas. Tumawa ako nang marinig ang ginawa ni Jarred. Sumipol pa talaga ang unggoy.
"Jarred, will you please stop being so tease? Samahan mo ako. Dali." Iritadong wika ni ate Nicolette kaya napatingin kami sa kanya.
We are in our favorite spot sa loob ng campus at dahil wala kaming magawa heto at nag-aabang ng mga magagandang tanawin sa paligid.
"Panira ka talaga kahit kailan. Saan ka ba pupunta?" Sagot ni Jarred.
"I have my class by 3:30. Five minutes nalang ang natira kaya samahan mo muna ako at magpapahatid lang." Ani ate Nics at tumayo. Tamad na tumayo si Jarred at sinalo ang tatlong libro na tinampal sa kanya ni ate Nics. Narinig ko pa ang iilang mura at reklamo nito pero hindi ko na pinansin at muling ibinalik ang tingin sa paligid.
This sucks me big time. Isang oras pa akong tatambay dito dahil wala kaming klase sa isang subject namin ngayon.
"Hi Grae.."
Napalingon ako sa dalawang babae na bumati sa akin. I guess, they are my classmate. I don't even know what's their names are. Ngumiti nalang ako sa kanila at napansin ko ang pagpula ng pisngi ng isa. Nagbulungan pa sila pagkatapos. Damn girls..ang babata pa nila para akitin ako.
Grade 8 pa lang din naman ako. Habang sina ate Nics, Jarred at Danrixx ay Grade 9.
My brow raised when I saw a cute little--- well, isang batang babaeng maliit pa lang. Nakatalikod ito nang dumaan sa gilid ko. I playfully smiled while looking at her back.
"Hey cutie kid, mag-ingat ka palagi. Liligawan pa kita pag-laki mo." Ani ko at saka natawa sa sarili. Damn it!
Napalingon ang batang babae sa akin pero kasabay no'n ay ang pagbatok ni Danrixx sa akin. What the hell is his issue? Marahas ko siyang nilingon.
"Gunggong ka ba? Si Yashie 'yan. Pinsan natin 'yan." Aniya kaya nagulat ako.
Mabilis akong lumingon sa batang babae at biglang sumikdol ang kaba sa dibdib ko nang makitang si Yashie nga ang batang tinawag ko. What the heck is happening to me? I didn't even recognize my cousin dahil sa kagaguhan ko. Siguro.. dahil bagong bili ang suot niyang bag kaya hindi ko siya nakilala.
Nakanguso itong lumapit sa amin. She was just grade 6 at anong ginagawa niya rito sa Highschool campus? Pasaway talaga ng batang 'to.
"Why are you here?" Tanong ko sa kanya.
"Hinahanap ko po kayo kuya.. pinauwi kami ng maaga ngayon dahil may pupuntahan si Ma'am Funtellar."
My jaw clenched after hearing her answer. Seriously? Kuya? Fvcking kuya talaga? Mukha ba akong nakakatandang kapatid niya para tawagin niya akong kuya?
Iritado akong tiningnan siya. Hindi siya nakagalaw nang makita ang naiinis kong mukha. Para itong takot na takot sa akin. Am I that scary?
"Hintayin mo na ang kuya Jarred mo rito and next time, 'wag ka na ulit pumuntang mag-isa rito dahil hindi naman niya nakakalimutang sunduin ka sa Classroom niyo." Si Danrixx na ang sumagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Her Heart's Greatest Mistake (COMPLETED)
Roman d'amourHow do people handle Forbidden love? Exiel Yashie Adisson was born with congenital heart disease. Her whole life has been miserable because of her sickness. But despite her struggles, she can still manage to smile in the eyes of those people who lov...