Nakahilata pa ko sa kama ng biglang may pumasok sa kwarto ko at ginising ako.
"Shaaaaaannn!!! Wake upppp!" Sigaw ni Kyla.
Umungot naman ako at nagiba ng pwesto.
"Hoyyy Daniela ika'y bumangon na paalala lang ngayon ang pageant" sabi ni Kyla at hinila ang comforter ko.
"Shanny girl gising naaaa" sabi naman ni Sab.
No choice ako kundi bumangon, gulo gulo pa ang buhok ko.
"Mag hilamos ka nga girl ang panget mo" sabi ni Frans sakin.
"Nako Shania hindi ka uunlad sa pagtitig mo sa kamay mo" sabi ni Kyla at hinila ko papunta sa banyo.
Naghilamos ako at nag toothbrush saka ako nagsuklay, paglabas ko aba ang mga bruhilda feel at home na feel at home. Si Frans nakahiga sa bed ko, si Sab naka upo sa carpet ko tapos si Kyla nasa may vanity ko.
Patingin ko sa orasan.
"What the hell!!! 8:30 pa lang ang aga pa" reklamo ko.
"Kailangan mo pa mag relax kaya go maligo kana at magbihis" sabi ni Sab.
Iiling iling akong nagpunta sa cr ko at naligo, paglabas ko nagpalit palit na sila ng pwesto. Hindi ko na sila pinansin at dumaretsyo sa walk in closet ko.
Nagsuot ako ng short at sleeveless polo tapos yung sandals ko, kinuha ko na rin ang bag at wallet ko pati phone at handkerchief.
Paglabas ko tinaboy ko si Frans sa vanity side ko saka ako naupo don at naglagay ng powder at liptint, sinuklay ko na din ang buhok ko saka binlower.
"Hoy mga babaita tara na" sabi ko sakanila.
Naglabasan na kami, pagbaba namin naabutan namin si Fourth sa salas nanonood ng NBA. Napalingon siya sa gawi namin at ng mapatingin siya sakin, tiningnan niya ko from head to toe saka ako sinamaan ng tingin.
Hindi ko siya pinansin at nagdaretsyo palabas kasabay sila Frans. Hindi pa ko nakakasakay ng sasakyan ng tumunog ang phone ko.
Huminto ako sandali at tiningnan yon.
From: Fourth Panget
Why are you wearing that damn short?!
Napairap ako sa text niya at hindi nalang iyon pinansin, sumakay na ko sa Van.
Since the day na hinigit niya ko from Seven sa mall, ngaing ganyan na siya. Acting na parang kami and he's being so possesive grr.
Pagdating namin sa mall dumaretsyo kami agad sa derma clinic, kailangan ko mag pa facial ngayon sabi nila Frans.
Pagpasok namin may nag assist agad samin, nag pafacial ako tapos nagpaayos din ako ng kilay. Natural na makapal ang kilay ko kaso nga lang may mga sumosobra kaya pinapatanggal ko.
After sa mukha nag pamassage ng katawan tapos paa at kamay, saka kami nagpamanicure and pedicure, nagpakulay ako sa kuko ng peach na color.
Pagkatapos namin nag aya sila para kumain, 12 na din kasi. Nagpunta kami sa Gerry's Grill, nagorder kami ng barbeque tapos sisig.
"Girl ayos na ba yung gown mo?" Tanong ni Kyla sakin.
"Yap. Ipapadala nalang ni tita sa bahay mamaya" sabi ko.
"Kinakabahan ako sa pageant gurl grabe" sabi ni Frans.
"Wag ka ngang OA Frans, hindi naman ikaw yung lalaban" sabi ni Sab.
YOU ARE READING
My Enemy, Loves Me
Novela Juvenil"Do you...do you like her??" Tanong ko. Yumuko siya at marahang tumango. Isa isa nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Fourth...look at me" utos ko but he move his head sidewards. "Please?" Dahan dahan niya kong tiningnan. Hinawakan ko ang magka...